• Home
  • Fresh Scoops
  • The actor shares how he prepared for the INC leader's biopic.

Dennis Trillo reveals Felix Manalo movie producers gave him his biggest talent fee

The actor shares how he prepared for the INC leader's biopic.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/23/2015 09:12 AM
Dennis Trillo reveals Felix Manalo movie producers gave him his biggest talent fee
082615-dennis_main.jpgInamin ni Dennis Trillo na ang pelikulang Felix Manalo (na may dating title na Ang Sugo) ang pinakamalaki at pinaka-expensive na pelikula na ginawa niya sa buong buhay niya bilang aktor. 

Sa pelikulang ito din ba niya natanggap ang pinakamalaking talent fee simula nu’ng maging artista siya?

Opo, sa pelikula, ito na po ang pinakamalaki,” nakangiti niyang pahayag nang mainterbyu ng Push.com.ph.

At dahil sa laki ng talent fee ni Dennis sa biopic ng Iglesia Ni Cristo leader na si Ka Felix, katakut-takot na paghahanda naman daw ang kanyang ginawa.

Sa preparasyon, marami po kaming pinagdaanan. Nag-immersion po kami, kinausap po kami ng mga ministro, ni-lecture-an po, backgrounder, binigyan po kami ng mga babasahin and siyempre po, pinag-aralan namin ‘yung script,” kuwento ng aktor.

Ako po, maaga pa lang, nu’ng nalaman ko po na ako po ang gaganap, nag-research na ako sa YouTube, tiningnan ko kung may mga videos ba para makita ko ’yung hitsura niya, kung paano siya nagsasalita, ’yung pamamaraan ng tono ng pananalita niya,” dagdag pa niya.

Katoliko si Dennis kaya mas nakadagdag ng challenge on his part na gampanan ang role ng founder ng INC.

“Mahahaba talaga yung linya. Kailangang mag-memorize ng maraming pages sa script, mabuti naman, kahit papaano nakayanan ko

Ang mahirap pa po du’n, ‘yung pagiging Ka Felix Manalo mismo dahil isa siyang napakaimpluwensiyang tao,” kuwento pa niya.

Mabuti  na lang daw habang nagsusyuting sila ay may mga kasama silang ministro na nagga-guide sa kanya.

Umabot ng 59 days ang kanyang shooting ng  Felix Manalo. Siya na rin ang gumanap na matandang Ka Felix na dapat ay kay Albert Martinez. Ang maganda naman daw, binigyan siya ng panibagong kontrata dito.

“May separate contract naman po kaya okey lang,” sabi pa niya.

Medyo mahirap lang yung matandang Ka Felix kasi matagal ikabit yung fat suit at matagal ding tanggalin and mainit. Pero lahat naman ‘yun kayang tiisin dahil alam ko naman na maganda ‘yung proyektong ginagawa ko,” deklara  pa niya.

Sa October 7 pa ipapalabas ang Felix Manalo na idinirek ni Joel Lamangan at produce ng Viva Films. Magkakaroon ito ng ambitious premiere showing sa The Philippine Arena on October 4.

Fifty-five thousand ang capacity ng Philippine Arena at tatangkain ng Felix Manalo movie na gibain ang Guinness Book of World Records sa pagkakaroon ng pinakamaraming taong nanood ng isang premiere showing.