Liza Soberano reveals her dream movie

Liza Soberano also talks about setting a good example for the youth.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/22/2015 8:03 PM
Liza Soberano reveals her dream movie


082215-liza2-main.jpgNagkaroon ng special participation si Liza Soberano kasama ang mga kabataan sa isang youth convention sa Taguig City. Dito nai-share ni Liza ang struggles na kanyang pinagdaanan bilang isang teenager at maging positive sa lahat ng bagay.

Kahit wala pang tulog, masaya si Liza sa kanyang advocacy at kahit paano ay naka-reach out siya sa kabataan ngayon.

"As a celebrity, I believe that’s our duty to encourage especially the young ones because they’re the ones that need guidance someone to look up to nowadays or to follow. I’m not saying that I’m someone to look up to but at least I’m helping."

Ginagawa ni Liza ngayon ang pelikulang Everyday I Love You kasama si Enrique Gil at Gerald Anderson. Naka-isang araw na daw siya ng shooting sa isa na namang romantic comedy film na inaabangan ng kanilang fans. Pero kung mabibigyan daw ng pagkakataon, type ni Liza ang gumanap sa isang action movie.

"Ako po dream role ko talaga is to do an action project pero ewan ko lang po kung ibibigay nila sa akin. Parang in the right time."

Sporty kasi si Liza bago pa man niya pasukin ang showbiz. Aktibo siya sa sport na volleyball at hanggang ngayon kapag may lugar sa kanyang schedule ay naglalaro pa rin siya.

Nai-share din ni Liza na muli silang magkikita ng mommy niya at mga kapatid na naka-base na sa Amerika.

"By October may show kasi so babalik ako sa States magkikita ulit kami. Pero siya ang pupunta dito, malabo po kasi may mga kapatid ako na nag-aaral doon na inaasikaso niya."

Sa January, magde-debut na si Liza at kung siya ang masusunod, mas gusto niya ang simple celebration kasama ang mga mahal sa buhay at ang pagkakaroon ng charity day.