• Home
  • Fresh Scoops
  • Dennis Trillo, Bela Padilla, and Joel Lamangan talk about working on the ‘biggest movie event’ of 2015.

Dennis Trillo, Bela Padilla, and Joel Lamangan share their ‘Felix Manalo’ experience

Dennis Trillo, Bela Padilla, and Joel Lamangan talk about working on the ‘biggest movie event’ of 2015.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/22/2015 09:57 AM
Dennis Trillo, Bela Padilla, and Joel Lamangan share their ‘Felix Manalo’ experience
082215-felix-main.jpgBinansagan bilang biggest movie event ng 2015 ang pelikulang Felix Manalo na tatalakay sa kuwento ni Felix Manalo na siyang nagtatag ng Iglesia Ni Cristo sa ating bansa. Sa press conference para sa pelikula, nag-attend sina Dennis Trillo, Bela Padilla at Direk Joel Lamangan kasama sina Ka Elwin Zabala ng INC at Vincent del Rosario para sa Viva Entertainment.

57 shooting days ang ibinigay ni Dennis Trillo para sa pelikula at ito na daw ang pinaka-mahabang shooting ng isang movie na nagawa niya.

"Ito na rin siguro ang isa sa most important projects na nagawa ko. Mahirap ang role. Pinag-aralan ko talaga siya, sa set namin marami kami consultants para sa pananalita at paraan ng pagkilos at pananamit ni Felix Manalo para maayos namin magawa ang bawat eksena."

Maganda naman ang pasok ng 2015 para kay Bela dahil sa pelikulang ito. Pinuri niya ang production na nag-alaga sa kanila habang nasa shooting ng movie

"Aminado naman po kami ni Dennis na hindi kami INC pero hindi naging hadlang ang paniniwala dahil inasikaso nila kami. Napaka-warm nila at madali kausap. Medyo hindi lang kami nagkakausap ni Dennis during breaks dahil mahahaba ang lines namin, malalim na tagalog dahil 1920s ang mga eksena so nagme-memorize na kami ng lines namin at blocking."

Naka-ilang palit na rin ng cast ang pelikula at sa slanting ng story. Hanggang sa mapunta na nga ang papel kay Dennis Trillo. Ipinagmalaki ni Direk Joel Lamangan na siya ang nag recommend na kunin si Dennis sa title role.

"Ito na ang pang apat na pelikula namin ni Dennis at karamihan doon period movies like Aishite Mas, Mano Po, Blue Moon tapos ito. Magaling kasi si Dennis at talagang kinakarir niya ang mga eksena at mararamdaman mo naman talaga yun kapag napanood mo na ang peliuka."

Kung ipapalabas ang lahat ng nakuhanan na eksena ay aabot ng pitong oras ang pelikula. Pinili ang highlights at tinahi ng maayos kayat halos tatlong oras tatagal ang movie.

May option din na ilabas ito bilang series sa DVD.

Magkakaroon ito ng premiere night sa October 4 sa Philippine Arena at regular showing naman sa October 7.