Martin Nievera prepares for 33rd anniversary concert

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/20/2015 10:05 AM
Martin Nievera prepares for 33rd anniversary concert


082015-martinnievera_push.jpgNaka white robe at relaxed ang concert king na si Martin Nievera ng humarap sa showbiz media para sa kanyang Martin Nievera Home at The Solaire concert na magaganap sa September18 sa high tech na The Theater ng Solaire Resorts.

Ito na rin ang celebration ni Martin ng kanyang ika 33 years sa showbiz kayat pinaghahandaan niya ang nasabing concert.

Muli makakasama ni Martin ang kanyang close friend at musical director na si Louie Ocampo na nakasama na niyang sumulat at gumawa ng maraming hit songs. Nai-share ni Martin kung alin sa mga ito ang pinakamalapit sa puso niya.

"That would be one magical favorite ‘I’ll Be There.’ I was looking for melody he was looking for lyrics when I asked him who is your inspiration he says my children and my inspiration for writing the lyrics is also my children."

Wala na rin daw siyang dapat na patunayan ayon kay Martin. Ngayon, wala ng pressure sa kanya at ang mahalaga ay makapagbigay ng magandang performance na magugustuhan ng kanyang followers.

"That’s the best part. I don’t have to prove anything or being number two or if I am numbered last. The best thing about being last is getting up, that’s the best part that I’ve learned in my 33 years is to brush the dirt off my knees and stand up again. There’s nothing to be ashamed of.”

Kasama ni Martin ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra at asahan daw ang isang di makakalimutan na gabi ng musika.

"It’s pressure because it’s going to be the first and we want to do it in a big, big way we even invited the ABS-CBN orchestra wherein we could have done it just Louie and I. I said let’s make it big."