EXCLUSIVE: Patricia Javier reveals reason for returning to the Philippines

Patricia Javier wants to raise her kids the Filipino way.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/20/2015 10:12 AM
EXCLUSIVE: Patricia Javier reveals reason for returning to the Philippines
082015-patriciajavier_push.jpgHindi lang pala ang pagbalik sa pag-arte ang totoong dahilan kung bakit umuwi ng Pilipinas si Patricia Javier kasama ang kanyang asawa at dalawang anak na lalaki. Sa exclusive interview ng Push.com.ph kay Patricia sa presscon ng Doble Kara, sinabi niya sa amin ang totoong dahilan kung bakit dito na niya gustong manirahan sa Pilipinas pagkatapos ng 10 years na pamamalagi sa Amerika.

“Oo, gusto ko ulit mag-work, gusto kong bumalik sa pag-arte at thankful nga ako sa Dreamscape at sa ABS-CBN kasi kinuha nila ako sa Doble Kara, pero may iba pang dahilan kung bakit kami nandito sa Pilipinas ngayon ng mga anak ko at kung bakit nag-decide kami ng asawa ko na dito na mag-stay for good.

“Bilang mother kasi, iisipin mo talaga yung kapakanan ng mga anak mo, di ba? Iba kasi sa Amerika, ibang magpalaki do’n ng mga anak. Eh, dalawang boys ang mga anak ko... medyo nakakatakot,” pahayag ni Patricia.

Ayon sa dating sexy actress, grade 3 at pre-school na ang kanyang mga anak at pareho silang naka-enroll sila sa isang private school sa Quezon City.

“Siyempre, nu’ng nasa States kami, medyo mahirap for him (her husband) to come here kasi magkaiba talaga, pero sabi ko sa kanya, habang maliit pa yung mga bata dalhin natin sa Pilipinas para mas madali silang idisiplina... yung ganu’n.

“Kasi do’n, parang natakot ako in a way na yung mga bata, bata pa lang... alam mo yon, yung tipong sumasagot na sila sa mga magulang nila. Parang kung pinanganak mo sila do’n, kasalanan mo... yung parang ganu’n. Hindi katulad pag dito, mas ma-appreciate ng mga anak ko kung anong meron kami dito.

“Tapos puwede ko silang mapagalitan, kasi don, pag pinagalitan mo ang bata magsusumbong sa kaklase, tapos lagot kaming mag-asawa, lagot ako, eh, dinidisiplina mo lang naman,” paliwanag pa niya.

“At saka, kasi gusto kong matutunan nila yung ‘po’ at ‘opo,’ ganyan. Ayokong tawagin ako ng anak kong Patricia, di ba?” dagdag pa niya.

Nabanggit din sa Push.com.ph ni Patricia kung paano siya pinalaki ng nanay niya.

“Balanse naman yung ginawang pagpapalaki sa akin. Yung mom ko, nandiyan siya all the way para sumuporta sa akin. May mga times na dati talaga hindi ako puwedeng mag-party, hindi ako puwedeng matutong uminom, manigarilyo. Eh, di ba pag teenager ka gusto mong makipag-party-party sa mga friends mo.

“I’m so thankful na yung nanay ko talagang binawalan ako, ginabayan ako. So ngayon, I don’t drink, hindi ko gustong uminom, o kaya naman, manigarilyo. Ang laking tulong ng nanay talaga sa pagpapalaki ng anak,” pagre-recall pa niya.

In-explain daw niya sa Amerikanong asawa ang tungkol sa gusto niyang mangyari sa dalawang anak kaya madali siyang naintindihan nito.

“Sabi naman niya kasi, it’s been 10 years na nag-stay ako sa Amerika, yung parang sacrifices ko for him, di ba, kaya sabi niya, I can still go back to showbiz naman at siya naman daw ang magsusuporta sa akin,” she said.

Samantala, bida sa Doble Kara si Julia Montes at bukod kay Patricia, kasama rin sa cast sina Carmina Villarroel, Allen Dizon, Mylene Dizon, Ariel Rivera, Anjo Damiles at Edgar Allan Guzman.