• Home
  • Fresh Scoops
  • Allen Dizon says he’ll be taking a break from doing indie movies for ‘Doble Kara.’

EXCLUSIVE: Allen Dizon finally gets his biggest role on TV

Allen Dizon says he’ll be taking a break from doing indie movies for ‘Doble Kara.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/20/2015 10:07 AM
EXCLUSIVE: Allen Dizon finally gets his biggest role on TV
082015-allendizon_push.jpgCertified mainstream actor na si Allen Dizon dahil finally, nakuha na niya ang itinuturing na biggest break niya so far sa telebisyon. Allen is part of the Kapamilya Gold series Doble Kara na pinagbibidahan ni Julia Montes who is paying a dual role.
 
“Biggest break ko ito sa TV and I’m so thankful sa ABS-CBN at sa Dreamscape sa tiwalang ibinigay nila sa akin na gumanap bilang father ni Julia,” masayang pahayag ng multi-awarded actor sa Push.com.ph.

Ayon kay Allen, nagkaroon siya ng minor adjustment while taping for Doble Kara dahil mas nasanay siya sa paggawa ng indie films.

“Iba kasi pag gumagawa ka ng indie, yung nuances mo medyo maliit lang. Do’n ako medyo nahirapan kasi sa TV dapat malaki yung mga galaw mo. Buti na lang mababait ang director ko at inalalayan nila ako. Pagkatapos ng ilang araw ng taping, okey na ako,” kuwento pa niya.

Nag-decide din si Allen na hihinto na muna sa paggawa ng indie films para makapag-concentrate sa Doble Kara.

“Puyatan kasi ang taping sa soap opera at para mas maka-focus ako sa karakter ko dito nag-stop muna ako sa paggawa ng indie. Buti na lang, meron pa akong natapos na dalawa – Iadya Mo Kami (Deliver Us) at Sekyu, at least, hindi ko mami-miss mag-indie,” sey pa ulit ng actor.

Nabanggit din ng actor na tinanggihan na rin niya ang dapat sana ay pelikulang gagawin niya kay Direk Brillante Mendoza.

“Ganu’n talaga, eh. Hindi ko kakayanin, eh. Nakakapanghinayang siyempre na makakatrabaho ko yung award-winning director na tulad niya, pero hindi talaga kakayanin ng schedule. Malay natin, in the future, di ba?” wish pa niya.

Eh, kumusta namang katrabaho si Julia?

“Bukod sa napakaganda ni Julia at very professional, napakabait din niya at napakahusay na artista. Malayung-malayo pa ang mararating niya,” reaksyon niya.

Eh, how about working with Carmina Villarroel, Mylene Dizon and Ariel Rivera?

“It’s a great experience working with seasoned performers like them. Ang huhusay nila kaya dapat sumabay ka. Napakalaking karangalan talaga na makasama ko sila,” sagot niya.

Aminado naman si Allen na kahit marami na siyang international at local acting awards na napanalunan tulad ng prestigious na Gaward Urian, ay kinakabahan pa rin daw siya paminsan-minsan kapag humaharap siya sa kamera.

“Normal lang naman yung ganu’n sa simula, kasi kumbaga mangangapa ka pa sa mga katrabaho mo, eh. Iba-iba kasi ang expectations ng mga tao, di ba? Pero once nakapasok na ako sa karakter ko, okey na. Nabubura na yung Allen. Yung karakter ko na yung lumalabas,” paliwanag pa niya.

Mapapanood na ang Doble Kara simula August 24. Kasama rin sa serye sina Anjo Damiles, John Lapus, Edgar Allan Guzman at marami pang iba. Produce ito ng Dreamscape Entertainment.