• Home
  • Fresh Scoops
  • Ruffa Gutierrez on Annabelle Rama: 'Hindi pa kami best friends ngayon'

Ruffa Gutierrez on Annabelle Rama: 'Hindi pa kami best friends ngayon'

The actress says she and her mom still have to fix their differences completely.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/3/2015 3:13 AM
Ruffa Gutierrez on Annabelle Rama: 'Hindi pa kami best friends ngayon'


080315-ruffa_main.jpgAyon kay Ruffa Gutierrez, ang season 3 ng It Takes Gutz to be a Gutierrez, na napapanood sa E Channel, ang maituturing niyang best season so far.

“We’ve worked with different directors throughout the whole season. Siyempre, Mike Carandang ‘yung sa unang season, and then, Karen Wiggins sa second season, and third season is Steven Gilfeather.

“And kaya naman ganu’n, even if we want to stick to one, everyone is so busy, so whatever E! gives us with regards to the schedule, we have to look at the floor director na walang ginagawa during that time. So, iba-iba ang ibinibigay sa lamesa ng kada direktor na kasama namin. And I think with Steven, he’s more raw, he’s more controversial. Si Karen kasi, medyo safe, yung season 2 medyo safe. Season 1 is like very raw, very authentic din.

“So for me, this is the best season, ‘yung season 3 because this is the end of our contract with E! kung itutuloy namin or hindi, we’ll have talks again after the third season. So, kumbaga, this is our finale, let’s think of it as our last season. If ever na mapo-fourth season or magko-continue, bonus na lang sa amin ‘yun. So, I’m so sad! I’m gonna miss the cameras following me around. Mami-miss ko talaga siya,” mahabang litanya  ni Ruffa.

Marami naman ang nakapansin na blooming talaga ngayon si Ruffa. Dahil ba ito sa lovelife niya?

“Naku, wala ngang masyadong love life sa season na ito dahil hinarang, di ba?” sagot agad niya. "Hinarang-harang! Tinawag na demonyo! Diyos ko, kawawa naman. Hindi ko nga mai-post ‘yung trailer. Stress!” hirit pa ni Ruffa na medyo natatawa.

Si Jourdan Mouyal na kanyang kasintahan ang tinutukoy ni Ruffa. Matindi raw talaga ang pagtutol dito ng inang si Annabelle Rama at madalas itong maging dahilan ng kanilang pag-aaway.

Eh, hindi ba nagkabati na ulit sila ng nanay niya sa kasal ng kapatid na si Elvis Gutierrez?

“Okay naman kami ni Mommy. Pero hindi pa kami best friends (ngayon). Until now, nakataas pa rin ang kilay niya sa akin. She doesn’t love me a 100% yet again. Medyo 30% pa lang,” she said.

Samantala, may negosyong inaasikaso ngayon si Ruffa at ang boyfriend niya. Ang I-Flix ang isa sa investments ni Ruffa. Puwede na raw makapanood ng movies sa cellphone.

“Pag ‘yan, nag-public, naku, uulanan ko na kayo ng diamonds! Ha! Ha! ha! Wala pa naman siyempre. Bago pa lang, ‘no?” balita pa niya.

Kasama raw niyang nag-invest ang kambal na sina Richard at Raymond sa I-Flix.