• Home
  • Fresh Scoops
  • Jennylyn Mercado doesn’t want to talk about past with Dennis Trillo

Jennylyn Mercado doesn’t want to talk about past with Dennis Trillo

Is love lovelier the second time around for Dennis and Jennylyn?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/2/2015 8:38 AM
Jennylyn Mercado doesn’t want to talk about past with Dennis Trillo


080215-jen_main.jpgMukhang hindi nag-usap sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo bago humarap sa presscon ng My Faithful Husband dahil magkaiba sila ng deklarasyon tungkol sa totong estado ng kanilang relasyon ngayon.

Sa panayam namin kay Dennis, inamin niyang love is lovelier the second time around at masaya ang love life niya ngayon. Pero iba naman ang naging pahayag dito ng ex-girlfriend.

Eh, ano nga ba talaga ang real score sa kanilang dalawa? Nagkabalikan na nga ba sila?

Siya na lang po ang tanungin ninyo, kasi ako po… hindi, eh. Wala sa ngayon,” pahayag ng aktres.

 “Hindi kasi, siyempre, naging magkaibigan ulit kami, ’di ba? Pero siyempre, maraming mga bagay na hindi namin napag-usapan noon na ’di ba, hindi talaga maayos.

 “So siyempre, hindi ka makakapagtrabaho nang maayos kapag bitbit mo pa rin ‘yun. So, dapat lang maayos na,” dagdag pa niya.

 So, natanggal na niya ’yung mga bitbit niyang ’yun dati?

 “Matagal na. Pero siyempre, hindi lang ’yon ’yun, eh. May mga kailangan pa rin talagang ayusin,” hirit uli ni Jennylyn.

Nang tanungin siya ng PUSH kung meron bang posibilidad na maging sila ulit, medyo napailing ang aktres.

“Grabe po talaga, gumagawa pa ako ng dalawang pelikula ngayon bukod dito sa soap, tapos may isang cooking show, so talagang wala ring oras, eh.”

Eh, do’n sa pag-amin ni Dennis na love is lovelier the second time around ano ang masasabi niya?

Ay, ano ba ‘yan, nakakanerbyos naman kayo, huwag naman kayong ganyan,” natatawang sabi ni Jen.

Sigurado ba kayo kung ako ’yun? Tanungin n’yo muna,” natatawa ulit niyang sabi.

So, ano ngang reaksyon niya sa sinabi ni Dennis?

Siguro,” matipid niyang tugon.

Naniniwala ba naman siya dito?

“Depende, eh! Depende. Para sa akin kasi, hindi at oo, eh. Parang nando’n ako sa gitna. Depende don sa klase kung gaano katindi yung pagmamahal at kung ano yung pinagdaanan n’yo. Kung willing ba talaga kayo na ayusin ‘yon. Kasi pag trust issues, iba, eh. Parang medyo nakakatakot mag-risk,” paliwanag ng aktres. (continued on next page)

080215-jen_main.jpgAgree din ba siya na sa edad nila ngayon mas okey na maging private na lang ang kanilang love affair?

“Kung ako ha, halimbawang mayroon akong boyfriend, mas maganda siguro kung ganyan, ’yung meron kang kahit paanong natitira sa sarili mo.”

Eh, bakit tila kung kailan very vocal na si Dennis sa nararamdaman niya kay Jennylyn ay parang siya naman ang nagho-hold back ngayon?

Magkaiba kami. Hahaha!” dahilan niya.

Pero di naman itinanggi ni Jennylyn na masaya siya ngayon.

“Masaya ako sa lahat ng mga nangyayari sa akin ngayon. Parang sino bang hindi magiging masaya, ‘di ba? Sa mga blessings, kumbaga ako, okey na yung sa pamilya ko, yung kina Jazz, kina Patrick, okay na. Masaya naman ako sa trabaho ko, maayos naman…”

Ayon pa kay Jennylyn, hindi niya ini-entertain ang negative thoughts at ang naging bad past nila ng aktor.

Ako nga, nakalimutan ko na nga yon, eh… Hindi ako nag-dwell don. Ayaw na nga naming pag-usap ‘yon. Parang gusto lang namin na… ako, personally ha, as a person kasi, hindi ako nag-aano sa negative. Lagi akong positive, positive. Kahit gaano pa yan ka-negative, kaya kong hanapan yan ng positive, ganu’n,” katwiran niya.