• Home
  • Fresh Scoops
  • Lolita Carbon, Cooky Chua, and Bayang Barrios share the stage as ‘Tres Marias’

Lolita Carbon, Cooky Chua, and Bayang Barrios share the stage as ‘Tres Marias’

Lolita Carbon, Cooky Chua, and Bayang Barrios join forces for the concert ‘Tres Marias’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/19/2015 9:48 AM
Lolita Carbon, Cooky Chua, and Bayang Barrios share the stage as ‘Tres Marias’


081915-tresmarias_push.jpgMatagal na sa music industry sina Lolita Carbon, Bayang Barrios at Cooky Chua. Sa kanilang career bilang solo artists mayroon na rin silang hit songs na nag marka sa local at international audience. Pero ngayon lang magaganap na magkakasama sila sa iisang concert stage bilang Tres Marias.

Magkakasabay nagpa-interview ang tatlo at marami silang naibahagi bilang OPM artists. Si Lolita Carbon na bahagi ng folk group na Asin, nagpapasalamat dahil kahit matagal na siya sa pagkanta ay tanggap pa rin siya ng audience.

"Hanggang kaya ko kakanta at kakanta pa rin ako para sa lahat dahil ito ang nais ko na gawin noon pa man at marami tayong napapasaya dahil dito."

Si Bayang Barrios naman, naintindihan ang nagbabagong panlasa ng audience.

"Ganun talaga lalo na ngayon na malawak na ang pagpipilian ng audience at ang bilis ng pagbabago ng mga bagay bagay. Pero sana ang pagmamahal natin sa musikang sariling atin laging nandyan pa rin."

Malaking oportunidad para kay Cooky Chua na makasama sa iisang concert sina Lolita at Bayang. Okay kang kay Cooky kung mas bumebenta ngayon ang mga entertainers at social media sensations pero huwag naman daw sana balewalain ang talento na batayan ng bawat performer.

"Mabigyan sana kami ng pagkakataon na marinig at mapanood ng mga kabataan natin ngayon na ito ang musika na dapat mahalin nila at dapat di nawawala dahil ito iyung sariling atin."

2012 ng mabuo ng Tres Marias at magaganap ang kanilang concert sa September 4, 8 pm sa Music Museum.