• Home
  • Fresh Scoops
  • Jennylyn Mercado feels very lucky to be working with Kapamilya actors Sam Milby and JM De Guzman.

EXCLUSIVE: Jennylyn Mercado overwhelmed to be working with Sam Milby and JM De Guzman

Jennylyn Mercado feels very lucky to be working with Kapamilya actors Sam Milby and JM De Guzman.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/18/2015 08:02 PM
EXCLUSIVE: Jennylyn Mercado overwhelmed to be working with Sam Milby and JM De Guzman
081815-jenmercado_main.jpgDalawang Kapamilya actor ang leading man ni Jennylyn Mercado sa dalawa ring magkaibigang pelikula—si Sam Milby for PreNup ng Regal Films at si JM de Guzman for Walang Forever na entry naman para sa MMFF 2016.

Ayon sa aktres, napakasuwerte niya na mabigyan ng pagkakataon na makatrabaho sina JM at Sam. Overwhelmed daw ang feeling niya na kahit Kapuso actress siya ay nakakasma niya ang mga ABS-CBN stars sa pelikula.

“Masaya ako kasi bihira mo silang nakikita, ‘di ba? Ako, napapanood ko lang din sila sa TV, ni hindi ko pa nga nakikita sa personal si Sam kung hindi pa kami nagkatrabaho sa PreNup, eh.

“Si JM kasi, kababata ko siya, dati siya kay Tita Becky (Aguila, manager ni Jennylyn). Pero ang tagal naming hindi nagkita. Pero ang tawag ko pa rin sa kanya ay Butik, hanggang ngayon. Yan yung nickname niya nu’ng mga bata pa kami. Siguro mga 12 years ago yon, mataba pa siya noon,” kuwento ng aktres.

Hindi nga raw niya nakilala si JM nu’ng first day na nagkita sila para sa teaser shoot ng Walang Forever.

“Medyo kakagising ko lang nung lumapit siya sa akin. Sabi ko, ‘Uy Butik, kumusta ka na, kumusta na si mommy?’” gulat na gulat daw niyang pahayag.

 “Tapos kinumusta din niya ang mommy ko. Usap-usap, ganu’n. Masaya,” dagdag pa ni Jennylyn.

Natutuwa din daw siya para kay JM na nalampasan nito ang mga pagsubok at problema sa buhay.

“Ang tao naman nagbabago, hindi naman habang buhay ganu’n ka, eh, ‘di ba? Pero siyempre, depende na rin yon sa tao kung gaano ka kapursigidong baguhin yon para sa future mo, sa pamilya mo, ganyan.
081815-jenmercado_main.jpg“And si JM, nakita ko na ang laki ng pagbabago at nabawi niyang lahat yon. Kumbaga, ngayon okey na siya. Happy ako para sa kanya,” pahayag pa ni Jennylyn.

Eh, kumusta namang katrabaho si JM sa Walang Forever?

“’Yon ang talagang medyo napi-pressure ako,” pag-amin agad niya.

Eh, bakit naman?

“Ang galing niyang umarte... sobrang galing. Yung talagang kailangang alam ko yung lines ko kasi kung hindi, mapapahiya ako dito. Kailangan ko siyang tapatan,” sagot niya.

Eh, how about Sam?

“Si Sam, mabait yon talaga. Wala akong masabi sa kanya,” pagdi-discribe niya sa actor.

May mga nadiskubre din daw siya sa kapareha gaya ng, “Si Sam, napaka-techie niya. Nagkakasundo kami don. Tapos very understanding siya at saka soft-spoken... yon alam mong napakabait talagang tao na hindi makabasag-pinggan,” sabi pa ni Jennylyn.