Why did Dawn Zulueta and Richard Gomez break up?

Dawn Zulueta, Richard Gomez reveal reason for breakup on Gandang Gabi Vice.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/18/2015 7:40 AM
Why did Dawn Zulueta and Richard Gomez break up?


081715-chardawn_main.jpgSa Gandang Gabi Vice, nagpasalamat ang cast ng The Love Affair na sina Richard Gomez, Dawn Zulueta at Bea Alonzo sa patuloy na pagtabo sa takilya ng kanilang pelikula.

Marami ring inamin si Richard at Dawn tungkol sa naging relationship nila noon. Inamin ni Richard na hindi siya ang sumuko sa relationship nila ni Dawn. Tanong ng host na si Vice Ganda sa kanila, “So sino ang sumuko?” Ani Richard, “hindi na niya ako kaya, iniwan niya ako.” Dagdag pa niya, “Kasi ako talaga ang mali.”

Nang tanungin siya ni Vice kung niloko mo ba si Dawn Zulueta, sagot ni Richard na ang pagkakamali niya noon ay, “Dala na lang ng kagwapuhan ko yan. How can you refuse a woman coming on to you?”

Kwento ni Dawn, alam niya kung sino ang mga babaeng lumapit noon kay Richard. Pero aniya, “I don't go out of my way to find out. Pumupunta sa akin ang impormasyon.” Dagdag pa ni Dawn, tinanong niya si Richard tungkol sa mga narinig niya pero dineny ito ni Richard. “Dineny niya, naniwala ako, kaya lang narinig ko nanaman.” Paulit-ulit pa raw narinig ni Dawn ang balita at umabot pa ng two years bago siya nakapagdesisyon na ayaw  na niya. “Tinanggap ko na hindi pa siya ready for a relationship. So maglaro muna siya.”

Humingi naman ng paumanhin si Richard kay Dawn at sinabing, “pasensiya ka na marupok ako.” Ayon pa kay Richard, “Mabait naman akong tao nagkamali lang.” Sagot naman ni Dawn, “Kahit hindi mo na lang hingin napatawad na kita. Magiging kaibigan ba kita kung hindi?”

Umamin rin naman si Bea sa totoong estado ng relationship niya ngayon with her boyfriend Zanjoe Marudo. “We’re working on it,” ang sabi ni Bea. Sila pa rin ni Zanjoe pero aminado siya na nagkakaroon sila ng mga problema at inaayos nila ito. Pinansin naman ni Vice ang masayang ngiti ni Bea. Ayon kay Bea, “Natutunan ko na maging masaya kahit mag-isa ako.” Isa raw ito sa mga realizations niya sa pelikulang The Love Affair na ang pagiging masaya ay hindi nakadepende sa kahit kaninong tao kundi sa sarili mo.