• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin admits being nervous during awarding ceremonies.

Coco Martin is Best Actor of the Year for 2015 Eduk Circle Awards

Coco Martin admits being nervous during awarding ceremonies.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/16/2015 10:17 AM
Coco Martin is Best Actor of the Year for 2015 Eduk Circle Awards
081615-coco_main.jpgMalakas na sigawan at palakpakan ang isinalubong ng students mula sa iba't ibang university sa Pilipinas habang papasok sa stage si Coco Martin para tanggapin ang kanyang tropeo bilang Best Actor of the Year para sa 2015 Eduk Circle Awards na naganap noong Sabado ng hapon sa University Theater ng UP Diliman.

Kahit marami ng awards na natanggap si Coco, kita sa kanya backstage na tensed at kinakabahan pa rin bago tumanggap ng parangal.

"Lagi po ganun every time na may tatanggapin tayong award lalo na ito na mga students ang naka pansin sa atin malaking bagay po ito dahil sila ang mga nakaka panood ng mga pelikula at serye na ginagawa natin ngayon," paliwanag ni Coco.

Si Coco ang huling personalidad na binigyang parangal sa awards ceremonies kaya't naghintay talaga ang lahat para makita siya ng personal.

Sa kanyang career, tutok ngayon si Coco sa taping ng Ang Probinsyano na unang ginampanan ni The King Fernando Poe Jr at isa sa mga di niya makakalimutang projects.

"Marami na kaming nakuhanan na malalaking eksena at masisiyahan sila dahil karamihan sa mga ito ngayon lang ginawa para sa TV. Dapat talagang extra effort tayo dito kasi po ipinagkatiwala sa atin ang isang obra na pinag bidahan noon ni FPJ," sabi pa ni Coco. 

Target na ipalabas Ang Probinsyano sa Kapamilya Network ngayong September.