James Blanco is fine with being a househusband

James Blanco is not worried about being called ‘under de saya.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/15/2015 10:46 AM
James Blanco is fine with being a househusband


081515-james1.jpgSasabak na rin si James Blanco sa paggawa ng indie film via Balatkayo. First time niya raw ito kaya hindi pa niya alam what to expect. Puro TV lang daw siya, soap opera sa ABS-CBN dati, but never pa niyang na-try mag-indie.

“Ang tingin ko kasi dati sa indie film is bold, ‘di ba? So ngayon, parang indie film... excited na ako dahil parang acting na talaga yung ginagawa nila, eh,” paliwanag ni James.

Maging sa kissing scene ay baguhan din daw si James.

First time ko ring gagawa ng kissing scene (with Nathalie Heart) and bed scenes pa yata. Sa movies ko noon, wala naman akong mga kissing scene lalo na bed scene. Sa TV, wala rin naman kaya bago ito for me,” pag-amin ng actor.

Tinanong na rin ng Push.com.ph si James about his private life. Inamin ng actor na isa pala siyang “househusband.

“Kapag wala akong ginagawa nag-aalaga ako ng mga anak ko. Tatlo na sila. Househusband ako, eh. Oo, totoo! Walang joke yon,” pag-amin pa niya.

“Kaya nga nag-stop ako noon sa showbiz, di ba, after kong magpakasal para matutukan ko yung small businesses ko at family ko. Pero dahil passion ko talaga ang pag-arte, hinahanap ng katawan ko, eh, kaya bumalik din ako sa showbiz,” sey ulit ng actor.

Eh, ano bang klaseng ama si James?

“Hindi naman ako disciplinarian... kumbaga, tama lang. Kasi mahirap naman maging... kasi ang mga anak ko naman, hindi na kailangang masyadong disiplinahin. Kasi maayos naman sila, mababait naman ang mga anak ko.

“So hindi naman sila kailangang higpitan. Naniniwala kasi ako na kapag hinigpitan mo lalong kumakawala,” katwiran niya.

Ayon pa kay James, gusto niyang nakikitang lumalaki ang kanyang mga anak. “Kasi mahirap kapag hindi mo sila nakikita habang lumalaki... alam mo ‘yon. Kaya pag wala akong taping, lagi kaming magkasama.”

Enjoy ba siya sa pagiging househusband?

“Oo naman,” tawa niya nang malakas.

“Kasi nai-enjoy kong mag-grocery kasama ng bata. Nagluluto rin ako. Na-try ko na ring maglaba, pero nung bata pa ako. Hahaha!” patuoy pa niya.

Tatlo na ang anak ni James sa asawang commercial model. Ang panganay niya ay 10 years old, 9 years old ang pangalawa at 4 ang bunso.

Eh, paano kung tawagin siyang “under de saya” dahil sa pagiging house husband niya?

“Okey lang, kung under de saya tayo, okey lang naman. Kasi kung ganu’n ka, para sa akin nire-respect mo ang mga babae,” paliwanag niya na bigla kaming napa-wow.

Bukod sa Balatkayo, gagawa rin ng pelikula si James sa Star Cinema kasama sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.