• Home
  • Fresh Scoops
  • Bryan Poe-Llamanzares says his leave from work indicates Sen. Grace Poe is running for higher office

Bryan Poe-Llamanzares confirms possibility of Sen. Grace Poe’s bid for higher office

Bryan Poe-Llamanzares says his leave from work indicates Sen. Grace Poe is running for higher office

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

08/14/2015 11:08 AM
Bryan Poe-Llamanzares confirms possibility of Sen. Grace Poe’s bid for higher office
081415-brian_main.jpgSa ulat ni Ryan Chua para sa Bandila, kinumpirma ni Bryan Poe-Llamanzares ang posibilidad ng pagtakbo ng kanyang nanay na si Senator Grace Poe sa mas mataas na posisyon sa elections 2016. 

Nag-leave si Bryan sa kanyang trabaho bilang reporter at ayon sa kanya indikasyon ito na “mas sineseryo” na ng Senadora ang posibilidad ng pagtakbo nito para sa mas mataas na posisyon. 23 years old si Bryan at panganay siya sa magkakapatid. Sinuportahan rin ni Bryan ang kanyang nanay nang tumakbo ito noong nakaraang eleksyon. 

Aminado si Bryan na apektado sila ng kanyang mga kapatid sa black propaganda na naglalabasan laban sa Senadora. Isa na rito ang citizenship issue.As a son, obviously that affects me, lalo na ang mga kapatid ko na mas bata pa kesa sa akin.” Ani Bryan kinausap niya ang kanyang kapatid na babae at sinabi na “no matter what happens, you have to remember that our mother is a good person.” 

Sinabi rin ni Bryan na walang sapat na paghahanda kung sakaling tumakbo man ang kanyang Nanay at manalo ito. “There’s no way to prepare for that. It’s really destiny and it’s an opportunity that’s given to you if you’re really chosen and chosen by the people.”