• Home
  • Fresh Scoops
  • Boys Night Out DJs offer specialized training in their new fitness business.

Boys Night Out DJs venture into fitness business

Boys Night Out DJs offer specialized training in their new fitness business.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/14/2015 03:16 PM
Boys Night Out DJs venture into fitness business
081415-boysnightout_main.jpgFit at healthy looking ngayon ang Boys Night Out radio DJs na sina Sam YG, Tony Tony at Slick Rick. Tried and tested na ang kanilang samahan On Air at malapit na magkakaibigan na rin sa personal nilang buhay sa labas ng radio booth at trabaho.

Isa sa naging bonding nila ay ang iba’t-ibang fitness routine at physical activities na kanilang nakahiligan na gawin. Dito nila nakuha ang inspiration na mag-venture sa fitness business kayat binuksan kamakailan ang 360 PRO na ayon kay Sam YG ay ibang level ng fitness kumpara sa nakasanayang gym.

"Dito kasi specialized ang training na ibibigay namin sa bawat client depende sa gusto niya at kailangan ng katawan nya. Marami dito nag enroll para ma-prepare ang katawan nila para sa mga Triathlon at iba pang sports na gusto nila pasukin"

Ilan sa mga personalities na nag undergo na ng kanilang training sa 360 PRO ay ang basketball star na si Gabe Norwood at ang Game Plan TV host na si Amanda Fernandez.

Kuwento ni Tony Tony na mas enjoy ang ganitong klase ng fitness routine.

"Hindi kasi ito ang usual na magbubuhat ka at nasa treadmill for some time. Dito, para kang nag-adventure trail at pwedeng grupo kayo papasok para mas enjoy."

Dito rin sumailalim ng training ang ilang movie personalities for weight loss na confidential ang listahan ayon sa Boys Night Out DJs.

Located ang 360 PRO sa Sparta Complex 126 Pioneer Street, Mandaluyong City.