• Home
  • Fresh Scoops
  • Veteran actress Luz Fernandez reprises role onstage as Lola Basyang

Veteran actress Luz Fernandez reprises role onstage as Lola Basyang

Veteran actress Luz Fernandez talks about reprising a role she started palying in the ‘50s.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/13/2015 8:48 AM
Veteran actress Luz Fernandez reprises role onstage as Lola Basyang


081315-luzfernandez_main.jpgExtra special ang pakiramdam ng veteran actress na si Luz Fernandez sa solo press con na ibinigay sa kanya ng Ballet Manila para sa latest production nitong Tatlong Kuwento ni Lola Basyang na mapapanood sa Aliw Theater simula sa August 21. 

Muling bubuhayin ni Luz ang kanyang papel na limang dekada na niyang ginagawa.

"Dekada singkuwenta pa ng una ako mapasama sa cast ng Lola Basyang sa radio. Iba’t-ibang stories ang dina-dramatize namin noon at talagang malakas ang response ng mga kabataan that time sa bawat episode namin."

Ilang generations na ng kabataan ang nakapanood kay Luz Fernandez sa papel na likha ni Severino Reyes. Ayon kay Luz, ibang-iba na ang mga kabataan sa ngayon.

"Hinahanap ko yung kabataan na naglalaro sa kalye yung gumagawa ng mga eroplanong papel, nagpapa-lipad ng saranggola at nagi-interact ng normal sa isa’t-isa. Ngayon kasi puro gadgets na lang sila at wala ng physical activity."

83 years old na si Luz Fernandez at wala siyang plano mag retire o kahit mag slowdown man lang sa showbiz. Ito daw ang kanyang passion at gamot sa kanyang asthma na madalas niyang nagiging sakit sa ngayon.

Huling TV acting assignment niya ay para sa phenomenal teleseryeng Forevermore pero kailangan niyang magpaalam kaagad dahil sa kanyang asthma.

Hinihikayat ng bumubuo ng Tatlong Kuwento ni Lola Basyang na maging bonding ng pamilya ang panonood nito na kapupulutan ng aral para sa kabataan. 

Mapapanood ang latest production na ito ng Ballet Manila sa Aliw Theater sa mga sumusunod na dates: August 21-22; 28-29 at 8 pm... August 23 and 30 at 3 pm.