EXCLUSIVE: Ejay Falcon happy to be part of an advocacy film for homeless people

"Homeless" will be shown on August 26.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/14/2015 02:31 AM
EXCLUSIVE: Ejay Falcon happy to be part of an advocacy film for homeless people
081315-ejay_main.jpgIpapalabas na ang advocacy film na Homeless na pinagbibidahan ni Ejay Falcon sa August 26. Pero bago ang showing, nagkaroon muna ng special screening sa Robinsons Cinema 1 ang pelikula na dinaluhan ni Ejay at ng iba pang cast ng pelikula like Dimples Romana, Martin del Rosario, Snooky Serna, Ynna Asistio, Mico Aytona at iba pa.

Sa interbyu ng Push.com.ph kay Ejay, masaya nitong sinabi na proud siyang maging part ng advocacy film na layuning maka-inspire ng mga Pinoy na biktima ng kalamidad sa buhay.

“Masarap gumawa ng ganitong klaseng pelikula, yung may purpose at nag-i-inspire ng mga tao na bumangon at ipagpatuloy ang buhay kahit pa marami silang problemang pinagdaanan. Proud ako na ang unang indie film na ginawa ko ay isang advocacy film na tulad nitong Homeless,” simulang pahayag ng Kapamilya actor.

Ibang-iba raw ang Homeless sa teleseryeng Pasion de Amor na ginagawa niya ngayon sa ABS-CBN.

“Sa Pasion de Amor kasi, puro topless at parang light lang. Ito kasing Homeless, bukod sa movie nga ito, mas mabigat sa puso at sobrang hirap gawin.

“Nag-shoot kami sa Cambodia, sa Quiapo at mas malalim yung emosyon na binigay ko... mas totoo,” kuwento pa niya.

Hindi ba niya na-experience maging homeless nu’ng kabataan niya sa Oriental Mindoro?

“Awa ng Diyos hindi naman ako naging homeless. Maliit lang yung house namin, pero hindi ako homeless, may natutuluyan naman kami,” sagot agad ni Ejay. “Kaya iba yung naging experience ko habang ginagawa yung movie, mas naintindihan ko yung sitwasyon nila, mas naunawaan ko,” dagdag pa niya.

May mga unforgettable experiences si Ejay sa paggawa ng indie na naikuwento niya rin sa Push.com.ph.

“Mahirap na masarap gumawa ng indie. Masarap kasi nagawa ko lahat and sa indie, napakatotoo nu’ng mga acting na binibigay talaga, mas may challenge.

“Mahirap naman kasi maliit yung budget, tapos parang wala kaming tent, yung ganu’ng experience. Wala ring pahinga sa set, walang ilaw-ilaw, sa gabi lang kami nag-iilaw, pero pag araw wala talaga. Hindi ako nakapahinga dito sa pelikulang ito pero masaya ako na ginawa ko to,” katwiran ni Ejay.

Inamin din ni Ejay na naging mas maawain siya after doing the advocacy film.

“Sa istorya kasi ng movie namin, hindi lang naman sila basta nawalan lang ng bahay, napunta pa sila sa mga sindikato at biktima pa ng human trafficking. Yung awa ko dati sa mga taong namamalimos mas dumoble kasi na-experience ko talaga yung buhay nila, eh, nung nag-shoot kami.

“Mas na-appreciate ko rin yung buhay ko ngayon. Masuwerte pa rin talaga ako at salamat na hindi ako ganu’n” he said.

Willing ba ulit si Ejay na gumawa ng panibagong indie film kung may mag-o-offer.

“Oo naman po! Walang problema sa akin lalo na kung maganda talaga yung istorya ng pelikula. Sabi ko nga, masarap na mahirap gumawa ng indie  pero kakaiba yung fulfilment,” pagtatapos ni Ejay.