• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiko Melendez says she has been making a lot of changes in her diet and her workout routine.

EXCLUSIVE: Aiko Melendez reveals slimming secrets to prepare for her love scenes

Aiko Melendez says she has been making a lot of changes in her diet and her workout routine.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/13/2015 08:51 AM
EXCLUSIVE: Aiko Melendez reveals slimming secrets to prepare for her love scenes
081315-aikomelendez_main.jpgIbang-iba ang itsura ngayon ni Aiko Melendez. Ang laki ng kanyang ipinayat kumpara nu’ng ginagawa niya ang TV series na Inday Bote sa ABS-CBN.

“I think nakita mo ako na pinakamataba nu’ng Apoy Sa Dagat time pa. Nu’ng Inday Bote kasi, paliit na ako noon, eh,” simulang pahayag ni Aiko.

Eh, paano nga ba siya pumayat?

“Naghahanda kasi ako for a race for triathlon. So, swim, bike, run, and then box. First race ko will be on November. Supposedly nu’ng June yon kaya lang, pumasok kasi yung Etiquette for Mistresses, tapos yung soap naming nina Kim (Chiu) na The Story of Us na supposedly iti-take ko ngayong August, so hindi ako nakapag-race kaya November ako,” kuwento ng aktres.

Sinagot din ni Aiko ang dahilan kung bakit gusto niyang mag-join ng triathlon.

“I have a lot of friends na nagta-triathlon. Sabi nila, ‘Alam mo Aiko, para hindi ka hirap magpapayat and then magugustuhan mo pa, mai-enjoy mo pa try mo ang triathlon. Sabi ko, hindi ko kaya.

“I only know how to swim kasi swimmer ako dati, di ba? Una, sinubukan kong mag-bike, nag-train ako for almost three weeks, tapos ngayon ang farthest ko na is 36,000 kilometers,” pagmamalaki pa niya.

Pati sikreto ng kanyang diet ay ibinahagi rin ni Aiko.

“Hindi talaga kasi ako nagka-carbs, Leo eh! So, mga one year and two months na wala akong rice, white rice. Kaya lang ngayon that I’m racing, I need to find other form of carbohydrates or else baka maging anorexic yung itsura ko.

“Ang ipinapalit ko, carrots, potato minsan. Hindi rin ako nagba-brown rice, eh. Kapag kumakain ako ng rice, nag-i-LBM ako the following day, so hindi talaga. So, sabi ng dietician ko, mag-potato na lang ako instead of white rice,” sey pa niya.

At dahil sexy na ulit ang aktres, confident na rin siyang gawin ang daring scenes sa pelikulang Balatkayo ng BG Productions na ididirek ni Neal Tan.

“Ang tagal ko na rin kasing hindi gumagawa ng pelikula na may kissing scene, so eto, gagawa ako. Something new, para every time na gagawa ako ng project, may bago.

“Kasi nakakahiya naman na si Rodjun (Cruz) puro abs, tapos ang taba-taba ko, so paano siyang magkakagusto sa akin? Tapos si Jame Blanco, guwapo din. So, sabi ko, shocks, I really, really need to be fit.

“Kaya ko na ulit makipag-love scene basta huwag lang naman yung malaswa, di ba? And I think, itong Balatkayo is really a good project kaya napapayag talaga ako,” sey pa ni Aiko.

Samantala, after matapos ang syuting ng Etiquette for Mistresses na may playdate na sa September, saka pa lang uumpisahan ni Aiko ang The Story of Us na sa Palawan kukunan ang maraming eksena. Sa Dubai at Taiwan naman siya magsusyuting ng Balatkayo.