• Home
  • Fresh Scoops
  • Bela Padilla says she has always wanted to work with Coco Martin.

Bela Padilla describes ‘Ang Probinsyano’ leading man Coco Martin as ‘maalaga’

Bela Padilla says she has always wanted to work with Coco Martin.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/12/2015 08:55 AM
Bela Padilla describes ‘Ang Probinsyano’ leading man Coco Martin as ‘maalaga’
081215-bellapadilla_main.jpgExcited na nagkuwento ang bagong Kapamilya na si Bela Padilla tungkol sa inaabangang teleseryeng Ang Probinsyano na una niyang assignment sa ABS-CBN kasama si Coco Martin.

Natupad daw ang kanyang wish na si Coco ay makasama niya sa isang project at all praises si Bela sa leading man.

"Gentleman siya at maalaga sa set. Dati noong wala pa ako sa ABS-CBN lagi ko sinasabi na sana maka-trabaho ko si Coco pero ngayon eto na kasama ko na siya sa isang serye na maipagmamalaki namin."

Sa pelikula naman, natapos na ni Bela ang epic movie na Ang Sugo na base sa buhay at history ng Iglesia ni Cristo sa ating bansa. Nasa gitna ng kontrobersya ang INC hanggang ngayon pero ayon kay Bela, ‘di naman naapektuhan ang takbo ng kanilang pelikula.

"Natapos na kami ng shooting. Wala naman aberya na nangyari at tuloy-tuloy kami and kung ako man ang mga issues hindi naapektuhan noon ang pagbubuo namin ng pelikula."

Bilang bahagi naman ng Padilla clan, looking forward si Bela sa pagbubuntis ni Mariel Rodriguez na asawa ni Robin Padilla. Isang malaking blessing daw ang kanilang hinihintay na mga baby mula sa kanyang tita Mariel.