Willie Revillame reveals plans when his TV career ends

Willie Revillame is setting up a P700M 5-star hotel in Tagaytay.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/11/2015 8:35 AM
Willie Revillame reveals plans when his TV career ends


081115-willie_main.jpgKung tuluyang nawala ang programang Wowowin ni Willie Revillame sa Kapuso Network ay balak na pala niyang mag-concentrate na lang sa ipatatayong hotel sa Tagaytay.

“Actually, kakausapin ko na ang mga staff ko, bibigyan ko na sila ng parang separation pay. Kumbaga, mag-move-on na kayo,” simulang pahayag ni Willie.

“Kasi ang balak ko talaga, magku-concentrate na ako sa Tagaytay, yung pinapagawa kong 5-star hotel.

“For the past days nando’n lang ako. Do’n lang ako talaga naka-focus... Kasi bumili ako ng almost five hectares, so do’n sa papatayuan ko ng hotel, kitang-kita mo ang Taal volcano, kita mo lahat. So ang balak ko, don lang talaga muna ako kung talagang wala, eh,” dagdag pa niya.

Nakakalula ang presyo ng ipinatatayong 5-star hotel ni Willie sa Tagaytay. “Malaki talaga yon, malaki yung budget non,” sambit agad niya.

“Kung sa budget, aabutin kami ng mga P600 to 700 million. Pero kung pwede mo namang tipirin, titipirin mo rin.

“Kaya nga yung ibang properties ko na hindi ko na kailangan, ibebenta ko na rin tulad nu’ng 12-bedroom mansion ko sa Tagaytay na tinirhan nina John Lloyd (Cruz) at Angelica (Panganiban) nu’ng Christmas at ng family nila, binibenta ko na rin yon.”

Idinagdag naman ni Willlie na hindi nagkainteres si John Lloyd na bilhin ang naturang property. “Hindi naming napag-usapan. Wala kaming napag-usapan tungkol do’n,” katwiran pa ng TV host-singer-actor.

Inamin din ni Willie na talagang nalugi siya ng almost P50 million sa ipinorodyus na show. Pero ang katwiran niya, “Okey lang yan, pera lang naman yan. Kikitain natin yan.

“At saka, nagsimula naman tayo sa Wowowee na wala naman akong pera. Kaya okey lang,” dagdag pa niya.

Nilinaw din ni Willie ang isyu na nag-react ang mga big boss ng GMA-7 makita siyang nakaluhod sa president ng ABS-CBN na si Ma’m Charo Santos.

“Actually, ang istorya no’n, akala nila nakaluhod ako. Hindi ako nakaluhod kay Ma’m Charo. Tinawag niya ako. Eh, katabi ko si Mrs. Gozon saka si Boss Gozon, so pangit naman na nakaharap ako sa kanya tapos katabi ko yung mga boss ko sa GMA.

“So umiwas ako, nagtago muna ako, saka ako bumati. Nagpasalamat din ako kay Ma’m Charo. Kasi parang nanay ko din yon, eh. Kaya wala kaming bad blood,” pahayag pa ni Willie.