• Home
  • Fresh Scoops
  • Karen Reyes says she’s maintaining her virginity for very personal reasons.

EXCLUSIVE: Karen Reyes is proud to admit that she’s still a virgin

Karen Reyes says she’s maintaining her virginity for very personal reasons.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/11/2015 08:01 PM
EXCLUSIVE: Karen Reyes is proud to admit that she’s still a virgin
081115-karenrey_main.jpgSina Angelica Panganiban, Angel Locsin at Ellen Adarna ang peg ni Karen Reyes na member ng Star Magic Angels sa pagpapaseksi.

“Ibang klase kasi silang tatlo. Si Angelica, napaka-straight forward niya sa pagsagot sa mga tanong. Wala siyang pretension. Si Angel naman, sobrang sexy at ganda niya at si Ellen, iba talaga yung dating niya, parang hot na hot yung beauty niya,” deskripsyon ni Karen sa mga Kapamilya actresses na gusto niyang tularan.

Sa interview ng Push.com.ph, ipinagmalaki ni Karen na kahit nagka-boyfriend na siya noon ay nananatili pa rin daw siyang virgin hangang ngayon
.
“Sa lips po, hindi na ako virgin, pero dito sa baba ko, oo naman, virgin pa ako do’n, virgin pa ako sa totoong buhay,” diretsa niyang pag-amin.

May dahilan daw kung bakit para kay Karen ay importanteng manatii munang virgin.

“Kasi yung isang kapatid ko nabuntis nang hindi tama. Sixteen years old pa lang siya, buntis na siya. So, kinausap ako ng nanay ko, first time kong nakitang umiyak yung nanay ko at sobrang awang-awa ako sa kanya.

“Sabi niya, ‘pag daw may nangyari sa akin oo nabuntis ako sa hindi pa sa tamang panahon, magpapakamatay daw siya. Hindi raw niya kakayanin kung ako ay mabubuntis agad. Do’n ko nakita yung nanay ko na parang... ‘O sige, ma, hindi kita idi-disappoint, so yon,” rebelasyon ni Karen sa amin.

Kaya kahit pa raw magkaroon siya ng boyfriend, magiging maingat pa rin siya. “Kiss-kiss siguro, okey lang. Necking-necking, ganu’n. Pero pag ano na, ops, okey, lalayo ako. At saka ano, yung patakam lang, palaway lang. Hahaha!” sey pa niya.

Samantala, nilinaw din ni Karen na wala silang kompetisyon ni Myrtle Sarrosa na kasamahan niya sa Star Magic Angels at winner ng Pinoy Big Brother Teen 4.

“Runner-up ako ni Myrtle no’n sa PBB at aaminin ko po na matindi talaga yung rivalry naming noon. Pero tapos na po yon, iba na ngayon,” reaksyon niya.

“Nu’ng una, talagang hindi po kami close ni Ate Myrtle kasi ang layo ng mundo niya sa mundo ko... sobrang layo. Kasi ako, hindi ko trip talaga yung ugali niya nu’ng una. Tapos nu’ng lumipas ang mga ilang taon, nakakilala ako ng mga ibang tao, natuto akong umintindi sa tao, so, naintindihan ko na siya.

“Ngayon na lang kami naging close as in sobrang close, kasi before, okey lang, friends... ganyan. Umiyak siya sa akin at nag-share siya ng problema niya, so ako, nagulat ako na parang... itinuturing mo ako na kapatid, na kaibigan mo. Do’n ko siya mas na-gets. Mas nakita ko na totoong tao siya,” kuwento pa ni Karen.

When asked kung hanggang saan ang kaya niyang gawin sa pagpapaseksi as a member of Star Magic Angels, sagot ni Karen, “Kasi 18 pa lang naman ako, so hanggang pa-towel-towel lang muna. Hahaha!

“Hanggang do’n lang muna kasi pag matanda na ako, ano pang ilalabas ko, di ba? So, stage by stage. Sa akin kasi, iba raw kasi yung appeal ng face ko, saka sa mga ka-age ko, parang ako lang yung naglakas-loob mag ganito (paseksi). Challenge kasi ito sa akin, eh. Kumbaga, parang panibagong laban,” ends Karen.