Jaya gives an update on Elizabeth Ramsey's health status

Jaya says her mom is still confined in the hospital.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/11/2015 2:11 AM
Jaya gives an update on Elizabeth Ramsey's health status


081015-jaya_main.jpgNagpa-interview mismo sa kanyang bahay sa QC ang Queen of Soul na si Jaya tungkol sa status ng kalusugan ng kanyang nanay, ang showbiz icon na si Elizabeth Ramsey. Dito sinabi ni Jaya na naka-confine pa rin sa ospital ang kanyang nanay mula ng magkaroon ito ng diabetic seizure na naganap noong Sabado sa isang TV guesting ni Elizabeth.

"Hanggang ngayon may naka connect na tube sa lalamunan niya kasi nahihirapan pa rin siya huminga. Concious naman siya at nakakausap namin may hawak siyang paper at pen doon niya sinusulat ang gusto niya sabihin and binubulong niya kapag di namin maintindihan ang sinulat niya," kwento ng singer. 

True blooded comedian pa rin daw ang kanyang nanay kahit sa ganitong estado ng kalusugan nito.

"Medyo nbabawasan nga ang nerbyos ko kasi nangungulit na siya naghahanap na ng pagkain wala daw lasa ang mga pagkain niya doon sa ospital. Naghahanap na siya ng lechon at regular soda na bawal na bawal na sa kanya."

Tatlong oras inatake si Elizabeth at tatlong minuto nawalan ng malay. Plano ni Jaya na paglbas nito ng ospital ay sa kanya na ito manirahan para mabantayan niya ang diet at maalagaan ito.

Nagpasalamat si Jaya sa lahat ng prayers at positive messages na nakukuha niya ngayon para sa kanyang ina.