• Home
  • Fresh Scoops
  • The Inside Out animation director says he's proud to be Pinoy.

Exclusive: Pinoy animation director Ronnie del Carmen shares his inspiring story

The Inside Out animation director says he's proud to be Pinoy.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/10/2015 08:45 AM
Exclusive: Pinoy animation director Ronnie del Carmen shares his inspiring story
081015-ronnie_main.jpgNandito ngayon sa bansa ang Pinoy animation film director na si Ronnie Del Carmen. Sa Amerika na naka base si Ronnie bilang isa sa ma-ipagmamalaking creatives ng Disney at Pixar productions na gumagawa ng sikat at box office na animated features gaya ng The Incredibles, Finding Nemo, A Bug's Life at ngayon naman ang Inside Out na co director si Ronnie kasama ang American animation film director na si Pete Docter.

Sa one on one interview ng Push.Com.Ph kay Del Carmen, naibahagi niya na hindi naging madali ang kanyang naging tagumpay sa Amerika.

"Late eighties ng mag-decide ako na mag trabaho na sa Amerika. Noong una wala akong plan kahit ano, ok lang sa akin, basta may trabaho at maitguyod ang pamilya ko dito sa Pilipinas. Ganun lang ka simple ang lahat," sabi niya.

Kahit halos tatlong dekada na sa Amerika si Ronnie, hindi nawawala ang kanyang pagka-Filipino.

"Sa Pixar maraming Pinoy animators doon and we call our group Pixnoys, alam mo agad kapag Filipino ang makakasalubong mo kasi lagi naka smile at masipag mag trabaho. Sa ganyan tayo nakilala doon kaya nakaka proud."

Unang directorial assignment ni Ronnie ang Inside Out at ito ang una niyang balik sa ating bansa para mag-promote ng sarili niyang pelikula kaya't doble doble ang kanyang excitement.

"May mga scenes sa movie na mararamdaman mo na parang may Pinoy feel. Di ba tayo mahilig tayo manood ng mga pelikula at TV shows na malulungkot yung may mga iyakan at emotional scenes, yan ilan lang yan sa mapapanood nila."

Looking back sa makulay niyang naging buhay sa Amerika, hindi inaasahan ni Del Carmen na uunlad siya at magiging matagumpay.

"Marami magsasabi noon basta animator ka, gutom ang mapapala mo. Naniniwala kasi ako na kapag inilagay monang passion mo sa isang bagay na ginagawa mo malayo ang mararating noon," kwento pa niya. 

At tama nga si Ronnie dahil as of this writing, 630 million US dollars na ang kinikita ng Inside Out sa worldwide box-office at ipapalabas na sa atin dito sa Pilipinas sa August 19.

081015-ronnie1_main.jpg

081015-ronnie2_main.jpg

081015-ronnie2_main.jpg