Anne Curtis reveals cameo role for On The Wings of Love

Anne says she supports James and Nadine.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/11/2015 02:10 AM
Anne Curtis reveals cameo role for On The Wings of Love
081015-anne_main.jpgMas sexy at glowing na Anne Curtis ang nakipag bonding sa fans para sa opening ng Paper Moon bakeshop and cafe sa Trinoma branch nito. Apat na beses sa isang linggo ang workout program ngayon ni Anne at kasama daw ito sa paghahandang ginagawa niya para sa isang pelikula.

Nai-share ni Anne na isang big project ang kanyang pinaghahandaan sa ilalim ng direction ni Ruel Bayani. Dalawang bigating actors na ka batch ni Anne ang kanyang makakasama pero confi pa ang lahat kaya di pa pwede i-reveal ang cast. 

Sa ngayon, excited si Anne dahil mayroon siyang cameo role sa On The Wings of Love serye ng JaDine tandem.

"Super excited sa cameo role na yun siyempre I support JaDine tandem and iyung team kasi na nagha-handle ng serye is the same team na humawak noon ng Dyesebel."

Sa ngayon movies at concerts na lang muna ang focus ni Anne at pahinga na muna sa teleserye. Hataw na rin muna ng fantasy series ni Anne at ok na daw siya sa kanyang naipon na experience sa pag gawa ng Dyesebel.

Pinaghahandaan ngayon ni Anne ang Asian Tour ng kanyang concert at isang bagong studio album ang kanyang binubuo para sa kanyang followers.