• Home
  • Fresh Scoops
  • The actress says her brother is a drug addict and needs to enter rehab.

Aiko Melendez emotional over conflict with brother Jam

The actress says her brother is a drug addict and needs to enter rehab.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/10/2015 08:51 AM
Aiko Melendez emotional over conflict with brother Jam
081015-aiko_main.jpgAng ganda ng aura ni Aiko Melendez nang humarap siya sa ilang entertainment press para sa announcement ng bago niyang pelikula sa BG Productions na may working title na Balatkayo. Ang laki ng ipinayat ng aktres at masaya siyang na-achieve ang bago niyang figure ngayon.

Kaya lang, napalitan ng lungkot ang itsura ni Aiko nang tanungin na siya tungkol sa status ng kapatid niyang si Jam Melendez, na lulong ngayon sa drugs.

“Nu’ng isang araw, nagdadasal ako sa Papa (Jimi Melendez) ko. Sabi ko, ‘Papa, ang unfair naman, iniwanan mo ako nang maaga tapos iniwanan mo ako ng problema.’ ’Yung kapatid ko adik, wala akong magawa.

“Gusto ni Jam mangyari is magharapan kami ngayon. Gusto niyang magharapan kami, okay. Ayokong humarap sa kapatid ko because wala siya sa tamang pag-iisip. Kung ang nanay niya nasaktan (Deborah Sun) physically, eh, what more ako ate lang.

“Eh, ako pa ang gusto niya (Debora) mismong magdala  kay Jam sa rehab. Eh, paano kung nasaktan ako ng kapatid ko physically? Ma-mental block siya, mai-explain ba ng kapatid ko sa dalawang anak ko na wala nang bubuhay sa kanila?” emosyonal na pahayag ng aktres sa PUSH.com.ph habang tahimik lang na nakikinig ang co-star niyang si James Blanco.

Ibinulalas din ni Aiko na pagod na rin siyang tumulong financially sa kayang kapatid at stepmom.

“Mai-explain ba din ni Tita Gigi (palayaw ni Deborah) kung bakit napapagod na ako tumulong financially? Kasi nga, paulit-ulit... ’yung kapatid ko binibili lang ng drugs ’yung binibigay ko.

“Masama ba akong kapatid at tatawagin akong kapatid na walang kuwentang ate daw dahil hindi ko siya tinutulungan? Eh, bakit ko ba siya ayaw tulungan? Eh, kasi ayaw niyang tulungan ang sarili niya, eh. Naniniwala ako na kung ayaw mong tulungan ang sarili mo, bakit kita tutulungan?” bulalas pa niya.

“May buhay din akong sarili ko. Sana maintindihan ng kapatid ko ngayon na matagal ko nang sinasabi sa kanya ’yan. Na rehab ang solusyon. Pero gusto ko sa rehab na walang may koneksyon.

“Gusto kasi nila rehab na sa Bicutan. You know, no offense meant, ha, but I have friends na nag-rehab sa Bicutan but when they got out, still the same. I have friends na na-confine sa Tagaytay, basement of Makati Med, but when they got out, it got worst.

“Now, I’d like to ask my brother now, anong basehan niya para sabihing wala akong kuwentang kapatid na nu’ng panahong lahat ng kailangan niya, ako lang naman ang nando’n sa kanya... Pero anong ginawa niya, he opted to buy drugs instead of listening to me,” malungkot na pahayag ni Aiko. (continued on next page)


081015-aiko_main.jpgMay gusto ring iparating na mensahe si Aiko sa stepmom na si Deborah.

“Sa ngayon Tita Gigi, pasensiya na po. May mga anak din po akong tinata-guyod. Single parent po ako. Bread winner po ako. Nagtatrabaho po ako nang halos araw-araw, nagpupuyat ako para bigyan po ng magandang buhay ang pamilya ko,” umiiyak niyang pahayag.

“Unfair naman na sabihin nila na hindi ko tinutulungan ang kapatid ko, dahil hindi totoo ’yan. Alam ng Diyos.  God is my witness, I’ve helped my brother many times. It’s just that now, natatakot akong humarap sa kanya dahil baka pati ako... magdilim ang mata niya sa akin at masaktan niya.”

Willing pa rin namang tumulong si Aiko na ipa-rehab ang kapatid niya pero, “Kung kaya nilang i-assure sa akin na ire-rehab nila ’yung kapatid ko sa isang puwesto na hindi ako ’yung mapapasama, na paglabas ng kapatid ko, babalikan ako, sasaktan ako... sige.

“Alam n’yo naman ang personalidad ng adik, ’di ba? ’Pag nag-rehab ’yan, posibleng ’yung nagpasok sa kanya ’yon ’yung babalikan niya dahil feeling nila...

“You know, my brother’s situation is not easy. He’s deadly now. Nananakit ang kapatid ko physically. Ang sakit man sa akin, pero ano’ng gusto n’yo gawin ko, tulungan na naman siya sa pera?

“Spiritually, emotionally, I’ve been praying for him every night. Hindi ako makatulog every night dahil hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na ako mismo ang magdadala ng kapatid ko sa rehab. O ipapadampot ko sa pulis ang kapatid ko, pero kaya n’yo ba na makita na ipapadampot sa pulis ang kapatid n’yo mismo?

“Ipit ako, eh. Kasi lahat ng gagawin kong solusyon para sa kapatid ko is being taken against me. Because my brother thinks na I don’t care for him, but it is not true,” umiiyak na pahayag ni Aiko na kaagad namang kinomfort ni Baby Go, producer ng BG at ni James.