‘Orayt! Simulan na ang alamat!’ Ryan Rems Sarita is the New Pogi

BY
EJ Salut

FRESH SCOOPS

08/01/2015 01:14 PM
‘Orayt! Simulan na ang alamat!’ Ryan Rems Sarita is the New Pogi

Push-Pin.jpg

Photo Source: http://i.ytimg.com/vi/_YIopW7VGfM/0.jpg



Nagbubunga na ang pagsisimula ng alamat mula sa pagiging isa sa mga contestants ng Funny One sa It’s Showtime hanggang sa pagiging isa sa pinaka-trending na mga pangalan ngayon sa TV at sa internet.

Hindi pa man nananalo, si Ryan Rems Sarita ay maituturing na isa sa mga paborito ng madlang pipol dahil sa kanyang mga simpleng hirit na sinusundan ng pinauso niyang statement na “Orayt! Rock and Roll... to the World!”

3.gif

Photo Source: https://www.facebook.com/RockNrolltotheworldyeah/photos/a.1595915607341130.1073741828.1595816 084017749/1600560806876610/?type=1&permPage=1


Ngayon ay kabi-kabila ang pagsulpot ng mga social network accounts ni Ryan Rems sa Facebook man o sa Twitter kung saan ay marami din ang mga subscribers at followers niya.

Narito ang ilan sa mga linyang tumatak at kinagiliwan ng mga madlang pipol:

“Sa sobrang hirap ng buhay, nasubukan na ng pamilya kong magdildil ng asin. Kaya nung unang sweldo ko, bumili ako ng isang sakong asin.”

“Sa sobrang sikat ng riding in tandem, magiging 4 year course na ito. Pero sa tingin ko konti lang ang gagraduate kasi maraming mamamatay sa OJT.”

“Minsan nakipagdate ako sa amoy-bagoong. Ayoko siyang maoffend kaya nagsasaw na rin ako ng mangga.”

“Nakaimbento ako ng insecticide na hindi nakakamatay ng insekto pero nakakabaog. Kaya kapag may nakikita akong ipis sa aming pader na magkadikit, iniispray-an ko lang, sinasabi ko, ‘hanggang dyan na lang lahi niyo.’ Family planning.”

“Nung bata ako, iisa lang ang pangarap ko. Ang makapagtapos ng kolehiyo. So n’ung nakapagtapos na ako, wala na akong pangarap.”

“Laughter is the best medicine. Kaya noong nasa ospital ang tatay ko, pinatawa ko siya ng pinatawa. Ayon, namatay siyang nakangiti.”

“Dalawang araw bago mamatay ang aking tatay, pinamana niya sa akin ang kaisa-isa niyang barong. Kaya noong burol niya, nakasando siya.”

“One time, pinasok ng mga magnanakaw. Nagkatitigan kami. Sabi nila ‘Uy, nauna ka na pala.’ Respeto lang, respeto!”

Sa kabila ng kasikatan ni Ryan Rems ay may paalala lamang siya sa mga tagasubaybay ng alamat niya: “Hindi lahat ng kanta sa album ay maganda, at hindi rin lahat ng joke ko nakakatawa. Orayt! Rock and roll... To the world!”

Kasalukuyang gumagawa ng mga stand-up comedy shows si Ryan Sarita kasama ang Comedy Manila.