Kyle Secades doesn’t regret leaving PBB

Kyle reveals one of his fears is being obese again.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/1/2015 8:01 PM
Kyle Secades doesn’t regret leaving PBB


080115-kyle_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, sinabi ni Mr. Nice Guy ng San Juan Kyle Secades na na-miss niya ang pamilya niya kaya siya lumabas ng bahay ni Kuya.

Wala raw kinalaman ang desisyon niya sa naging alitan nila nina Ylona at Jimboy sa loob ng bahay, kasi naayos rin naman ang mga maliliit na gulo na ito. Hindi rin ni Kyle pinagsisihan ang naging desisyon niya.

Dating obese si Kyle, at inamin niya na may fear pa rin na isang araw babalik siya sa pagiging obese.

Para kay Kyle, ang dapat maging Big Winner ay si Jimboy dahil pursigido ito.

Hindi rin na-in love si Kyle sa loob ng bahay ni Kuya dahil loyal siya sa kanyang girlfriend. Pero kung meron mang babae sa bahay ni Kuya na pwede siyang ma-fall ay si Ylona iyon. Mahilig kasing kumanta si Ylona at nagko-compose rin ito ng kanta.