• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Joshua Garcia believes not pushing through with a ‘Pangako sa ‘Yo’ role was a blessing

EXCLUSIVE: Joshua Garcia believes not pushing through with a ‘Pangako sa ‘Yo’ role was a blessing

Joshua Garcia also admits he and Loisa Andalio still have a steady friendship.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/26/2015 9:32 AM
EXCLUSIVE: Joshua Garcia believes not pushing through with a ‘Pangako sa ‘Yo’ role was a blessing


072615-joshua_main.jpgMasayang-masaya si Joshua Garcia nang eksklusibong makausap ng PUSH.com.ph dahil extended ang unang serye niya sa ABS-CBN na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na napapanood sa Kapamilya Gold. Mula sa dating 20 weeks lang na pag-ere nito ay mai-extend ito ng another season at hindi pa rin sure kung pagkatapos noon ay muli pang mai-extend.

Nagpapasalamat po ako talaga sa ABS-CBN dahil pagkatapos ng PBB, binigyan ako ng ganitong project. Hindi ko po ini-expect na ganito yung kalalabasan ng program namin,” nakangiti niyang pahayag.

Sa aming interbyu, inamin ng binata na nung panahong baguhan pa lang siya ay na-take 21 siya sa eksena with Vina Morales.

“Hiyang-hiya po ako talaga noon. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Natatakot ako kapag kaeksena ko yung mas senior sa akin kaya ganu’n. Medyo nai-intimidate din po ako. Pero buti na lang, kay Miss Vina na rin nanggaling na kahit papaano nag-improve na ako,” natatawa niyang kuwento.

Eh, ano nga ba ang feeling na take one actor na siya ngayon?

Siyempre, sobrang saya ko na hindi na ako nagiging pabigat sa set, kay Miss V (Vina),sa director, sa lahat. Kasi yung eksenang na ganun karami, kay Miss V po yon, eh. Kaya masaya ako na narinig ko sa kanya na take one na ako ngayon. Yes!” masaya niyang kuwento.

Sa palagay ba niya, paano siya gumaling bilang actor?

Siguro dahil din po sa mga natututunan ko sa mga co-actors ko kaya ganu’n. At saka, siyempre sa workshop. Habang tumatagal din po nasasanay ako lalo na kapag tumatatak na sa akin yung character ko,” sagot niya sa PUSH.

Inamin din ng guwapong binata na nakararamdam pa siya ng kaba kapag may mga mabibigat na eksenang kailangang gawin. Mas relax din daw siyang tuwing kaeksena si Loisa Andalio.

Si Loisa na ka-batch niya sa PBB ang kapareha ni Joshua sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. Hindi pa ba lumalalim ang samahan nilang dalawa?

072615-joshua_main.jpgGanun pa rin po kami,” sagot agad niya. “Walang level-up. Ha-ha-ha! Alam naman po kasi namin sa sarili namin na mga bata pa kami… Sinasabihan din naman po kami ng mga magulang namin na bata pa kami, na kailangan naming munang yakapin ang opportunity na to, na di namin dapat sayangin,” reaksyon niya.

Idinagdag pa ng binata na pinag-usapan din nila ni Loisa na tropa-tropa muna sila ngayon.

Samantala, para kay Joshua, blessing in disguise na rin na hindi siya natuloy sa primetime series na Pangako Sa ‘Yo para sa isang special role. Hindi na ba niya ito pinanghihinayangan?

Siguro may panghihinayang lang kasi siyempre, iba yon, primetime yon. Parang inisip ko na lang na may mas malaki pang darating. Kailangang huwag akong manghinayang, yon na lang ang inisip ko. At saka, na-extend naman itong Nasaan Ka, kaya okey na rin, nagtitiwala na lang ako kay Lord,” sey pa ni Joshua.