• Home
  • Fresh Scoops
  • Chris Brown not allowed to leave PH; airs dismay on Instagram account

Chris Brown not allowed to leave PH; airs dismay on Instagram account

The singer is charged with Estafa and is prevented from leaving the country.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/23/2015 10:17 AM
Chris Brown not allowed to leave PH; airs dismay on Instagram account


072315-chrisbrown_usmagazin.jpgNag-post si American recording artist Chris Brown sa kanyang Instagram account ng kanyang pagkadismaya dahil hindi pa siya makaalis ng Pilipinas. "Can somebody please tell me what the f*** is going on? Cause I don't know, I'm reading headlines after headlines. What the f***?" he said. Nagpost din ang singer na inaaliw na lang niya ang sarili sa loob ng hotel room. 

Ayon sa mga report, hindi pinayagang makaalis ng bansa si Brown dahil involved siya sa isang legal battle na ang pinagmulan naman ay ang pagkakansela ng concert niya sa Philippine Arena sa Bulacan last New Year's Eve. Sinabi rin sa Aquino and Abunda Tonight, na diumano ang dahilan ng legal battle ay hindi pa naibabalik ng kampo ni Brown ang ibinayad sa kanila mula sa naturang cancelled concert. 

Mayroong report mula TMZ na nagsasabing nakaalis na ng Pilipinas si Brown pero hindi pa ito kumpirmado. Mayroon ding naka-schedule na concert si Brown sa Hong Kong Miyerkoles ng gabi, July 23. 



Main photo credit to  Us Magazine