Netizens, hindi nagpapigil sa paghataw ng “'Wag Kang Pabebe” ni Vice Ganda

BY
EJ Salut

FRESH SCOOPS

07/20/2015 03:30 AM
Netizens, hindi nagpapigil sa paghataw ng “'Wag Kang Pabebe” ni Vice Ganda
072015-fge_updates.jpg

One week na simula nang iparinig ni Vice Ganda ang kantang Wag Kang Pabebe na alay niya sa pabebeng madlang people. Naging patok na ito agad sa lahat lalo na sa mga netizens. Naging trending ito sa launching niya sa ASAP 20 at pati na rin sa It’s Showtime Kaya ang mga netizen hindi nagpahuli sa paghataw ala-Vice at viral na rin ito sa social media.
 
Narito ang ilan sa mga video ng netizens na may iba’t ibang gimik. Nariyan ang dinaan muna sa Pabebe Girls na drama, ang iba ay solo o kasama ang kaibigan ang iba naman ay may mga costume pa para siguradong patok. Malinaw man o malabo ang camera nila o kahit patagilid walang makakapigil sa kanila sa paghataw nila ng pabebe moves.