Mutya ng Pilipinas reveals 30 candidates for its 47th year

Mutya ng Pilipinas candidates are ready to take on three international competitions this year.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/18/2015 2:56 PM
Mutya ng Pilipinas reveals 30 candidates for its 47th year


071815-mutya_main.jpgNagpatalbugan sa kanilang pagrampa suot ng iba’t-ibang kulay na two-piece swimwear ang tatlumpung kandidata para sa 2015 Mutya ng Pilipinas. Ito na ang ika-47 na taon ng beauty pageant na may campaign slogan na “beauty tourism” o ang paghikayat ng mga turista sa magagandang bahagi ng ating bansa.

Tatlong international crowns ang at stake ngayong taon kung saan ire-represent ng mananalong Mutya ang ating bansa sa international pageants namely: Miss Tourism Queen of the Year International; Miss Asia Pacific International at ang Miss Tourism International na magaganap ngayong taon sa Vietnam sa buwan ng Oktubre.

Naka-kuwentuhan natin ang reigning Mutya queens na sina Eva Patalinhug, Miss Asia Pacific International 2014 at Glennifer Perido, Miss Tourism International Metropiolitan 2014. Ayon sa dalawa, impressive ang batch ngayong taon.
 
Kuwento ni Eva, alam nya ang magkahalong nerbiyos at excitement na nararamdaman ngayon ng mga kandidata.
 
“Ganyan din kami ng nakaraang taon at ang bilis ng panahon kami na ngayon ang nanonood sa bagong batch. Promising ang batch na ito maraming maganda at mayroon na akong mga nakitang pwedeng mag shine pero siyempre secret na lang muna yan.”

Para naman kay Glennifer, maganda na ang status ng Pinay Beauty Queen delegates sa iba’t-ibang international beauty search dahil always prepared daw ang mga Filipina at iba ang over all impact kayat napapansin.

“Naalala ko ng lumaban ako sa Malaysia last New Year’s Eve lang ito, talagang pagdating ko pa lang sa hotel at first assembly pa lang naming ng candidates hinahanap talaga nila kung sino ang delegada mula sa Philippines. Nakakakaba na nakakatuwa. Ibig sabihin kasi maganda ang track record natin pagdating sa mga beauty search sa ibang bansa.”

Inihahanda na ang swimsuit at talent competition na magaganap sa Sheridan Beach Resort and Spa sa Palawan sa July 20 hanggang 22; at ang evening gown competition naman ay sa Hannah’s beach resort sa Pagudpud, Ilocos Norte magaganap.
 
Ang grand coronation night ng 47th Mutya ng Pilipinas ay magaganap sa August 2 at mapapanood sa Sunday’s Best sa ABS-CBN.