• Home
  • Fresh Scoops
  • Ronaldo Nacianceno, now known as Ronwaldo Martin, is an indie film actor like his brother Coco Martin.

Ronaldo Nacianceno tries to follow brother Coco Martin’s footsteps as an actor

Ronaldo Nacianceno, now known as Ronwaldo Martin, is an indie film actor like his brother Coco Martin.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/09/2015 10:15 AM
Ronaldo Nacianceno tries to follow brother Coco Martin’s footsteps as an actor
060915-ronmartin_main.jpgIndie actor na rin ang younger brother ni Coco Martin na si Ronaldo Nacianceno na ang ginagamit na screen name ay Ronwaldo Martin. Dalawang indie films na ang kanyang nagawa—Tumbang Preso at Kasal—pero hindi siya ang bida.

Bago sumabak sa pag-aartista, nagpaalam muna si Ron sa kanyang Kuya Coco. “Kinausap po muna ng manager ko (Ferdinand Lapuz) si Kuya Deng Deng (palayaw ni Coco) kung payag siya na mag-artista ako. Tapos yon na po, nagkasundo naman sila ni Kuya,” kuwento ng binata sa Push.com.ph.
 
Ayon pa kay Ron, madalas siyang paalalahanan ng kapatid niyang aktor tungkol sa pinasok niya.

“Sabi po niya, dapat mabait ako lagi at marunong makisama. Pinangangaralan niya ako tungkol sa attitude ko, dapat daw hindi maging mayabang. Kasi siya po, kahit sikat na sikat na si Kuya at maraming awards, hindi nagbago ang ugali niya, mabait pa rin siya,” kuwento pa niya.

Tinuturuan ba siyang umarte ni Coco?

“Ah, hindi po, eh!” sagot agad niya. “Pero pinapanood ko po lahat ng mga pelikulang ginawa niya pati yung mga teleserye niya. Do’n na lang po ako kumukuha ng points,” tugon pa niya.

Sa palagay ba niya magiging magaling din siyang aktor katulad ni Coco?

“Ay, hindi ko po masabi,” natatawa niyang pahayag. “Hindi po alam, eh. Baka po, pero baka rin hindi. Depende po yon, eh. Pero siyempre, kung para sa akin, gusto ko ring maging magaling na aktor para maging proud si Kuya… Bago pa lang po kasi ako, eh, kakasimula pa lang kaya hindi ko pa po alam,” katwiran niya.

coco and ron.jpg
 
Eh, paano ba ang maging isang kapatid ng sikat at award-winning actor?
 
“Siyempre po, hindi maiiwasang maikumpara ka sa kapatid mo. Medyo nakakatakot din po kasi…kapag medyo pumalpak ka, sasabihin nila ‘ay ba’t ganu’n, kapatid ‘yan ni Coco…’ pero masarap din po na magkaroon ng katulad ni Kuya sa pamilya namin. Lahat po kasi ng pangangailangan namin ibinibigay niya, puro sa pamilya po yung focus niya kaya sobra rin po kami talagang nagpapasalamat sa kanya,” sabi pa niya.

Isa si Ron sa mga bida sa pelikulang Mga Isda Sa Tuyong Lupa (Outcast) na malapit nang simulan ng BG PRoductions International sa direksyon ni Louie Ignacio. Kapartner niya sa pelikula si Barbie Forteza.
 
Seryoso ang tema ng pelikula dahil tatalakay ito tungkol kuwento ng mga indigenous people o mga sea gypsies (lagalag sa dagat) mula sa Zamboanga na naninirahan ngayon sa Mabalacat, Pampanga.