• Home
  • Fresh Scoops
  • The actor says Sarah's role in The Break Up Playlist is her most mature yet.

Piolo Pascual on kissing scene with Sarah Geronimo: 'Yes nasa script namin ang eksena na yun'

The actor says Sarah's role in The Break Up Playlist is her most mature yet.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/10/2015 01:00 AM
Piolo Pascual on kissing scene with Sarah Geronimo: 'Yes nasa script namin ang eksena na yun'
060915-piolo_mainphoto.jpgPinagkaguluhan si Piolo Pascual sa Manila Central University sa Caloocan City kahapon. Ito ay para sa advocacy ng isa sa mga endorsements ni Piolo na tumutulong sa mga visual impaired individuals.

Dito rin nagpa interview si Piolo at nagkuwento na matatapos na nila ni Sarah Geronimo ang pelikulang The BreakUp Playlist na unang project na pagsasamahan nila.

"Ang bilis nga namin mag shoot ibang iba kasi ang approach at atake sa mga eksena namin at nakaka proud kasi kakaibang pelikula ang mapapanood nila."

All praises din si Piolo sa kanyang leading lady na si Sarah pero madalas niya itong pagsabihan lalo na kapag nag uusap na sila in between takes.

"Madalas yan lagi tinatawag ako ng Kuya tapos meron pang po at opo sinasabi ko nga sa kanya na hindi naman nagkakalayo ang edad namin pero wala rin naman tayo magagawa kasi ganun talaga si Sarah."

Nabanggit na rin ni Sarah na kahit hindi nagpa sexy sa pelikula ay ito na ang pinaka mature niyang role to date na sinuportahan naman ni Piolo.

"Ibang iba si Sarah dito kung papansinin nyo sa mga scenes nya kapag showing na ang movie ang galing niya."

Sa pinag uusapan naman na kissing scene ni Piolo at Sarah, hindi pa nagaganap ang shooting para sa eksenang ito pero nagbigay comment si Piolo. 

"Yes nasa script namin yun kissing scene hinihintay ko rin ang eksenang yan pero kung di naman talaga kailangan ok lang din hindi naman naka focus sa eksenang yun ang buong story ng movie namin."

Target na ipalabas ang pelikulang The BreakUp Playlist ngayong July.