• Home
  • Fresh Scoops
  • Melai also shares why she picked Miley Cyrus for her finale performance.

Your Face Sounds Familiar Final Four happy with the voting results

Melai also shares why she picked Miley Cyrus for her finale performance.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/09/2015 01:02 AM
Your Face Sounds Familiar Final Four happy with the voting results
060815-yfsf4_main.jpgSi Melai Cantiveros ang grand champion para sa season one ng Your Face Sounds Familiar na naganap kagabi sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Matagal nang pantasya ni Melai na gayahin si Miley Cyrus dahil crush daw ito ng asawa niyang si Jason Francisco. Di nya alam na ito pa pala ang magbibigay sa kanya ng bagong tagumpay sa kanyang career.

Hindi pa nagsi-sink in ang victory kay Melai nang lapitan natin siya para ma interview matapos ang live episode ng YFSF Grand Showdown

"Hay naku, alam nyo I can't believe this is happening. Siguro talagang plan ito ni Papa God dahil ang chosen charity ko ay simbahan kaya thank you Lord! Thank you Lord din sa mga sumuporta sa text, thank you very much."

Si Nyoy naman, masaya sa naging resulta at maraming bagong opportunities ang nagbukas para sa kanya.

"Just to be in the big two na ito (referring to Melai) ang kasama mo, that's a very big thing for me."

Ang R&B singer na si Jay R, alam na malakas ang laban ni Melai at nakita rin naman ito sa kanyang performance kaya naki-congratulate na rin ito sa Grand Winner.

"Happy naman ako expected naman yun eh. Ang lalakas lahat ng kalaban namin sa final four."

Seseryosohin naman na ni Edgar Allan Guzman ang kanyang recording career. Ito ang naging epekto sa kanya ng YFSF at na-enjoy niya ang feeling ng pagpe-perform sa live audience. 

Malaking exposure daw ang nakuha niya sa YFSF kaya't malaki ang pasasalamat niya dito.

"Masaya ako na si Melai ang nag-champion. Deserve niya yun at masaya na ako na napasama ako sa Top 4."

Kasama rin sa highlight ng YFSF Grand Showdown ay ang announcement na magkakaroon ito ng second season na siguradong aabangan ng mga manonood.