“Ang controversial scene ko lang dito is yung shower scene ko with a Thai actor. Pero hindi yon malaswa. Lasing kami pareho tapos dahil nga lasing kami, nag-shower kami, ganu’n lang.”
Para kay Joross, last gay role na niya ang pelikula.
“Ang dami ko na rin kasing ginawa na bading ako lalo na sa TV kaya medyo tumanggi na rin ako kasi baka matuluyan na ako,” pagbibiro ni Joross.
“Para sa akin, last na ito talaga. Ayoko na muna, Do’n nga sa internet akala talaga ng mga tao bading ako, eh. Ha-ha-ha!”dagdag pa niya.
Pero posible pa rin daw siyang mapaisip at magbago ang desisyon kapag may magandang material na inilatag sa kanya. “’Yon nga, mahirap ding magsalita talaga nang tapos. Kasi malay mo, may magandang material, di ba?” sabi pa niya.
Ayon pa sa kuwento ni Joross, hindi siya nagdamit babae sa pelikula. “Buti nga dito hindi ako ginawang drag queen. Lalaki din ang itsura ko, kaya lang, hindi ko alam kung sino ang malambot sa aming dalawa. Minsan parang mas lalaki ka, minsan parang babae ka naman,” tila naguguluhan niyang pahayag.
Naintindihan lang daw niya nang maayos ang role niya nang minsang magpunta sila sa Red Light District sa Thailand.
“May mga nagtuturo sa amin na dapat ‘you’re the receiver’ and he’s the “giver.’ Yung mga ganu’n na siyempre hindi ko naman alam, di ba? Ha-ha-ha!” natatawa niyang kuwento.
Makaka-relate din daw ang mga babae sa kanilang pelikula.
“Hindi naman ito basta gay movie lang kasi tungkol sa love yung message ng pelikula. Makaka-relate dito yung mga taong naka-experience na magmahal pero na-friendzone lang. Kaya yung mga babae, puwedeng-puwede nila itong panoorin,” sabi pa ng aktor.
Ipalalabas ang I Love You, Thank You sa June 24 to July 7 sa mga sinehan ng SM bilang bahagi ng Filipino New Cinema. The film is directed by Charliebebs Gohetia. Kasama ni Joross sa pelikula ang Thai actor na si AE Pattawan, CJ Reyes at Prince Stefan.