• Home
  • Fresh Scoops
  • Carlos Morales uses his real name Craig Woodruff Jr. for his first directing gig.

Carlos Morales makes his directorial debut

Carlos Morales uses his real name Craig Woodruff Jr. for his first directing gig.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/07/2015 08:06 PM
Carlos Morales makes his directorial debut
060715-carlos_up.jpgMatagal na palang pangarap ni Carlos Morales na makapagdirek ng pelikula kaya nga lang hindi siya nabibigyan ng pagkakataon dahil naka-focus siya sa pag-arte. Naging best actor pa nga si Carlos sa pelikulang Laro Sa Baga na idinirek noon ni Chito Rono.

“Before pa talaga, dream ko na ito. Noon pa man nagsusulat-sulat na ako, ayaw ko pang i-share sa iba kasi wala pa namang maniniwala sa ‘yo, eh. Siyempre, binuild ko muna ang sarili ko and through the years pinag-aralan ko rin siyempre yung craft at yung works ng ibang direktors like sina Direk Chito, Direk Maryo (J. Delos Reyes).

“Ako kasi, I believe na experience is the best teacher kesa sa mga theory-theory lang. Pero kumuha pa rin ako ng crash course sa US ng Filmmaking at gusto ko pa ring mag-aral dito sa atin. Seryoso talaga ako sa pinasok ko ngayon,” kuwento ni Carlos.

As a director, tunay na pangalan ang gagamitin ni Carlos. “Yung Carlos kasi masyadong identified yon as an actor kaya nag-decide ako na gamitin yung real name ko which is Craig Woodruff Jr. kapag direktor ako. Okey lang naman siguro, di ba?” na sinang-ayunan naman namin.

Ang directorial debut ni Craig ay ang pelikulang Piring na kasali sa Filipino New Cinema section ng World Premiere Film Festival Philippines 2015 na gaganapin mula June 24 until July 7. Ano ba ang difficulties na na-encounter niya bilang baguhang direktor?

“Mas mahirap palang magdirek kesa umarte kasi all through out nando’n ka, eh. Mag-iisip ka ng mga shots tapos siyempre, kung hindi mo nagustuhan yung acting ng artista mo kailangan mong gabayan. Pero siyempre, may freedom pa rin sila to express their emotions, kumbaga, gina-guide ko lang kong ano yung hinahanap ng role. Kung hindi ko makita do’n ako pumapasok. Pinapakinggan naman nila ako,” masaya niyang pahayag.

Wala naman daw siyang balak iwanan ang pag-arte kahit direktor na siya.

“First love ko pa rin siyempre ang acting, pero yung directing kasi comes along na lang din ‘di ba? Siyempre gusto kong ma-express yung creativity ko. Saka sa directing, hindi naman laging nabibigyan ng break, pero yung acting, ibang passion din talaga yon kaya hindi ko yon iiwanan. Mas okey din ang kita don. Ha-ha-ha,” pabiro niyang reaksyon.

Ano ba ang nakuha niyang fulfillment na finally meron na siyang directorial debut?

“’Yung napasama lang ako dito sa festival na ito is already an achievement na, fulfillment na ‘yon, eh. For me, just to be here to showcase my film is a dream come true,” sey pa niya.

Meanwhile, Piring (Blindfold) is about James (played by Yussef Esteves) na isang working student who struggles to make both ends meet as he provides for his troubled family, amidst the corrupted dealings of the city. Kasama rin sa pelikula sina Bembol Roco, Tessie Tomas, Rocky Salumbides, Krista Miller, at marami pang iba.