• Home
  • Fresh Scoops
  • The actor says his birthday wish includes having a renewed career as an actor.

Polo Ravales reveals he will soon be a Kapamilya

The actor says his birthday wish includes having a renewed career as an actor.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/06/2015 12:58 PM
Polo Ravales reveals he will soon be a Kapamilya
06051-polo_main.jpgIsa si Polo Ravales sa mga bida ng pelikulang Of Sinners and Saints na entry sa Filipino New Cinema (a section of World Premiere Film Festival 2015) na magaganap simula June 24 hanggang July 7 at ipalalabas sa mga SM Cinemas.

During the presscon of his movie, inamin ni Polo sa PUSH na posibleng malapit na rin siyang maging isang Kapamilya actor.

“Dapat nga meron akong Pasion de Amor, pero hindi ako natuloy kasi nu’ng time na ‘yon, nu’ng ikina-cast ‘yon meron pa akong Kambal Sirena sa GMA. Na-delay yon, na-move nang na-move yung project hanggang umalis na ako ng bansa,” simulang pahayag ni Polo.

Na-frustrate ba siya sa GMA kaya lilipat siya ng ABS-CBN?

“Ah, na-frustrate ba ako? No, hindi naman. I just wanna be in a different world. Ang GMA naman kasi, marami rin naman silang nagawa for me, eh. Pero siguro darating talaga yung time na kailang mag-try ng iba.

Actually, hindi ko kasi alam kung nung time na nasa GMA ako ay naging aktor ba ako? That I don’t know, eh. I mean, ganun ba yung naging tingin ng tao sa akin? Para sa akin, I think yes naman, siguro for a time.

“Sa paglipat ko sa ABS-CBN gusto kong mag-explore as an actor, gusto kong ma-establish as an actor... hopefully,” pahayag pa niya.

Inamin din ni Polo na bago pa man siya umalis ng Pilipinas para sa isang buwang show sa Italy ay nakausap na niya ang isa sa big bosses ng ABS-CBN.

I had a meeting with Ma’m Malou Santos, so ang promise niya is sa July daw may gagawin si Paul Soriano na movie at isasama niya ako. Tapos isang soap with ABS. Kaya lang siyempre, ayoko pa ring mag-expect, eh. Pero yon ang sabi niya, sana matupad,” masaya niyang balita.

Natutuwa din daw siya sa nangyari sa career ni Paulo Avelino na nakasama pa niya noon sa Panday Kids ng GMA. “Bata pa kami noon. Actually, si Paulo yung pumalit kay JC (de Vera) kasi nga lumipat siya ng TV 5. So, I’m hoping, I’ve been praying for it at isa yon sa birthday wish ko na sana magkaroon din ako ng magandang career,” sabi pa ni Polo.

Confident naman si Polo sa role niya sa Of Sinners And Saints na idinirek ni Ruben Maria Soriquez.

“I think tatatak naman yung role ko dito. Ako yung main villain sa movie. Siguro naman, naka-deliver ako, basta first time kung ginawa yung ganitong character and I’m happy din na nabigyan ako ng chance to play the role,” he said.

May gala premiere nga pala ang Of Sinners And Saints sa SM The Block on June 27 at 8 p.m.