K Brosas says she did not steal role in Espesyal Kopol from Pokwang

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/06/2015 07:04 PM
K Brosas says she did not steal role in Espesyal Kopol from Pokwang
060615-kbrosas_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, ikinwento ni K Brosas  na hindi sila mag-asawa ni Pooh sa pelikula nilang Espesyal Kopol. Ayon kay K isa siyang “chakang babae” at si Pooh naman ay isang bading sa naturang pelikula at magkasama sila sa bahay. Pareho rin silang “manggagantso.”

Usap-usapan ang love scene nila ni Pooh sa pelikula. Ani K, nasa dulo lang naman ito at nakakatawa daw talaga ito. “Parang bloopers lang.”

Hindi rin totoo na sinulot niya ang role kay Pokwang. “Walang kaalam-alam si Pokie.” Sa tingin daw niya hindi naman inoffer ang role kay Pokwang kasi lagi silang magkausap at wala naman itong nababanggit sa kanya.

10 years na diumanong single si K. Naniniwala rin si K sa destiny na katulad daw ni Pokwang ay dumating na lang ang love life. Katulad din ni Pokwang, independent si K at baka mas okay daw sa kanya ang isang foreigner at isang lalaking malakas ang personality.

Nagkwento rin si K tungkol sa anak niyang si Crystal Brosas. Ani K, sumasayaw at marunong din magplay ng guitar si Crysrtal. Gusto rin nitong maging isang beauty queen.