Arnel Ignacio is considering marriage with partner in life Ken Psalmer

The comedian is very happy with his new love.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/06/2015 07:05 PM
Arnel Ignacio is considering marriage with partner in life Ken Psalmer
060615-arnel_main.jpgInspired na muli ang host/performer na si Arnel Ignacio at ipinakilala niya sa atin ang bago niyang inspirasyon na si Ken Psalmer na isang freelance performer at singer sa The Library.

April 2015 nang magkakilala sila sa sing along bar na ito ni Andrew de Real sa Malate at aminado si Arnelli na nagustuhan niya kaagad si Ken dahil suplado daw ito at may pagka misteryoso. 

Si Ken naman, nagustuhan kay Arnelli ang pagiging down to earth nito. Marami daw kasi ang nagpakilala na kay Ken noon na ipinaramdam kung gaano sila kalaking pangalan pero nakuha ni Arnelli ang kanyang attention dahil sa simple lang ang naging approach nito sa kanya.

Kung si Arnelli ang masusunod gusto niya na magkaroon sila kaagad ng relasyon ni Ken pero old fashioned si Ken at mas gusto niya na kilalanin muna nila ang isa't isa.

Hanggang noong Miyerkules June 3 sa Diamond Hotel naganap ang proposal ni Arnelli kay Ken with matching diamond ring na di na nahindian ni Ken dahil ngayon lang daw may gumawa ng ganito sa kanya.

Supported ng pamilya at mga kaibigan ni Arnelli ang bago niyang karelasyon samantalang di pa alam ng family ni Ken ang development sa personal niyang buhay pero matatanggap naman daw nila ang kanyang desisyon dahil dito siya masaya.

51 na si Arnelli at 34 naman si Ken. Sa malaki nilang age difference na 17 years, marami daw silang natututunan at nadi-discover sa isa't isa.

Hindi rin daw malayo na mauwi sa kasalan ang kanilang relasyon pero masyado pa maaga para pag usapan ito.