• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Gutierrez on Mom Annabelle and sister Ruffa: ‘Pareho silang matapang’

Richard Gutierrez on Mom Annabelle and sister Ruffa: ‘Pareho silang matapang’

Richard and Raymond Gutierrez reveal who they side with whenever their mom Annabelle and sister Ruffa have a falling out

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

6/5/2015 7:01 PM
Richard Gutierrez on Mom Annabelle and sister Ruffa: ‘Pareho silang matapang’


060515-gutz_main.jpgExclusive sa Aquino and Abunda Tonight, sinabi nina Richard at Raymond Gutierrez na masaya sila dahil finally mapapanood na sa The Filipino Channel ng ABS-CBN ang season one and two ng family reality show na It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Ayon kay Raymond, noong pumirma pa lang sila ng kontrata with E! Channel ay nawala na ang privacy nila, awkward din noong umpisa ang laging may nakasunod na camera sa bawat galaw nila. Pero nasanay rin sila eventually hanggang sa, “We’re so comfy na with the process and natural na.”

Si Richard naman na kilalang “fiercely private” ay umamin na “I was the last one on board for this project. In the beginning, I didn't see the point.” Pero nagbago iyon nang makausap ni Richard ang pamilya niya at pinaintindi sa kanya na “It’s going to make our audiences more interested about us.” Mas makikilala rin diumano sila nang mas malalim ng mga viewers.

Iba na rin daw ang auidience ngayon at nakikita na nila kung dinadaya ang isang bagay. “You can’t fake it.” Wala rin silang script na sinusundan kung kaya sabi ni Raymond ay, “the magic is through editing.”

Sanay rin sa haters ang pamilya Gutierrez. Ayon kay Raymond, “we eat haters for breakfast every day. Especially now with social media, you really can’t control it.”

Paano naman kay nila hina-handle ang bashings na nakukuha nila? Ani Raymond, “I don't let it sink in.”

“I don’t even read,’ sabi naman ni Richard. Ayon din kay Raymond tungkol sa kanyang kambal, “he’s also last on board with social media.” 

Hindi naman sila nagte-take sides sa iringan ng kanilang sister Ruffa Gutierrez at ng kanilang mom Annabelle Rama. Naiintindihan ni Richard pareho ang Mom at sister niya. “It’s hard to take sides, as a family you try to understand and accept one another.” Dagdag naman ni Raymond, ngayong adults na sila ay tanggap na nila ang isa’t isa kaya naging closer rin sila as a family. 

Nang tanungin ang magkapatid kung sino ang mas matapang kina Annabelle at kay Ruffa, ang sagot ni Richard ay, “Pareho silang matapang.”

Hindi si Richard at ang girlfriend niyang si Sarah Lahbati ang sinasabing magpapakasal sa third season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez kundi ang kapatid niya. Pagtatapos ni Richard tungkol sa balitang pagpapakasal nila ni Sarah, “It’s something that we talk about, we plan things. It will come at the right time.”