
Sa red carpet, present at maagang dumating ang Supertar na si Nora Aunor suot ang kanyang all white gown na gawa ni Albert Andrada. Ito dapat ang gown na isusuot ni Ate Guy sa Cannes pero ‘di siya natuloy dahil sa misunderstanding sa pag-aayos ng kanyang plane tickets.
Pero para kay Ate Guy tapos na ang issue at mag move on na. "Ay naku, walang intriga sa akin kung ano man ang nangyari noon. Tapos na yun para sa akin"
Sa interview naman ng Push.com.ph kay Direk Brillante Mendoza, open daw ang communication nila ni Nora maski sa mga panahon na nasa Cannes sila. Ipinaliwanag niya daw kay Nora ang nangyari kaya maayos na lahat ngayon sa pagitan nila.
"I know her and nagkakausap kami at alam naman niya ang buong sitwasyon so wala ako dapat itago at ikatakot. Palagi ko ito sinasabi kay Ate Guy from the start, Thy Womb pa lang hanggang dito sa Taklub, it’s always a pleasure working with her. At wala naman kami naging problema at all sa harap at likod nya masasabi ko yan. I think she deserves all the recognition. Malaking parte siya ng pelikula alam niya yun. Nagsa-sakripisyo din siya para sa pelikula."
Nagyakapan sa red carpet si Direk Brillante at Ate Guy na pinagkaguluhan ng media. Malaki ang pasasalamat nila sa isa’t isa dahil nakagawa na naman sila ng isang makabuluhang proyekto.
Kaya mahigpit ang imbitasyon ni Ate Guy na suportahan ang Taklub.
"Panoorin po natin at suportahan ang pelikulang Taklub, ang pelikula na nagsasabi ng katotohanan."
May binubuo na project si Direk Brillante na muli nilang pagsasamahan ni Nora kayat abangan daw ang development tungkol dito.
