• Home
  • Fresh Scoops
  • Melai Cantiveros says she’s ‘running and not talking’ in preparation for ‘Your Face Sounds Familiar’ Grand Showdown

Melai Cantiveros believes she should win over Jay R

Melai Cantiveros says she’s ‘running and not talking’ in preparation for ‘Your Face Sounds Familiar’ Grand Showdown

Melai Cantiveros believes she should win over Jay R-EJ Salut
BY
EJ Salut

FRESH SCOOPS

06/04/2015 06:37 PM
Melai Cantiveros believes she should win over Jay R
060415-melai2_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, masaya sina Jay R at Melai Cantiveros dahil kasama sila sa final four ng Your Face Sounds Familiar.

Isang humbling experience para kay Jay R ang pagiging part niya ng naturang show na patok sa ratings at sa wide range of viewers.  

Malaki rin ang pasasalamat ni Jay R kay movement coach Teacher Georcelle Sy, pati na rin kay voice coach Teacher Annie Quintos. Sila raw ang tumulong sa kanya para mag-impersonate. Hirap kasi si Jay R sa paggaya sa mga celebrities na na-assign sa kanya dahil bilang isang artist lagi niyang goal ang pagiging “original.” 

Mahirap para kay Jay R nang gayahin niya si Beyonce dahil habang nagpe-perform siya ay nakasuot siya ng tanga at heels. Pinaka-fun naman para sa kanya nang gayahin niya si Billy Crawford. Pero tough din diumano ito dahil nandun si Billy at nanonood sa kanya.

Si Melai naman hindi naniniwalang paborito siya ng jurors na sina Sharon Cuneta, Jed Madela at Gary Valenciano. Natutuwa lang daw ang mga judges sa kanya pero hindi siya paborito dahil nakakakuha siya ng scores na one or two points.

Pinakamadali for Melai nang gayahin niya si Elizabeth Ramsey. Dito rin siya nakabawi sa overall score niya. Toughest naman sa kanya nang ginaya niya si Fred Panopio.

Puspusuan ang paghahanda ni Melai at Jay R para sa Grand Showdown. Nang tanungin si Melai ng host na si Boy Abunda kung ano ang preparations niya, sagot ni Melai ay “running and not talking.” Paliwanag ng comedienne, “I’m going to sing live via satellite.”

Si Jay R naman aminado na gusto niyang manalo, pero nilinaw ni Jay R na friendly ang magiging competition. Magkakaibigan daw sila sa show at “positive lahat.”

Naniniwala naman si Melai na sa kanilang dalawa ni Jay R, siya raw ang dapat manalo.