• Home
  • Fresh Scoops
  • Lotlot de Leon says she trusts daughter Janine Gutierrez and her boyfriend Elmo Magalona.

EXCLUSIVE: Lotlot de Leon agrees to let daughter Janine Gutierrez to live on her own

Lotlot de Leon says she trusts daughter Janine Gutierrez and her boyfriend Elmo Magalona.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/04/2015 01:28 PM
EXCLUSIVE: Lotlot de Leon agrees to let daughter Janine Gutierrez to live on her own
060415-lotlot_main.jpgMagsasarili na si Janine Gutierrez ayon sa mommy niyang si Lotlot de Leon. Nakabili na raw ito ng sariling condo sa San Juan and anytime soon ay lilipat na doon ang dalagang anak.

“May bahay kami sa Fairview, that’s where the kids stay. Janine bought a house, she bought a condo in San Juan, pero hindi pa niya malilipatan kasi aayusin pa siya,” kuwento ni Lotlot sa Push.com.ph.

Hindi ba siya nalulungkot at nahihirapang i-let go ang dalaga niya?

“Okey naman na. Actually, tinatawanan ko na lang ngayon. Lagi namang nasa bahay si Janine, eh. Lahat silang magkakapatid may susi ng bahay ko. So ang gagawin lang nila don ay hihiga, kakain, matutulog, makikipagkuwentuhan.

“Tapos pag gabi na, uwian na lalo na kung may work siya (Janine) tomorrow. Or minsan, sa bahay ko siya nanggagaling kung may trabaho kinabukasan. Siyempre, mami-miss ko yung ganu’n.

“Sabi ko sa kanya, Janine, ‘Anak, tatawag-tawagan mo ako ha? Ini-expect ko na ang tawag mo kung ‘ma, may pagkain ba diyan?’ Iniisip ko kasi kung magbabago ang pagpunta niya sa bahay ko dahil may sarili na siyang bahay,” kuwento pa ulit ng actress.

Hindi ba siya nagwo-worry na di na niya mamo-monitor si Janine at ang boyfriend nitong si Elmo Magalona ngayong may sarili na itong bahay?

“May tiwala naman ako sa mga bata. The kids are very respectful. Si Elmo, napakabait,” confident niyang pahayag. “I don’t think naman na may gagawin sila para masira yung trust na ‘yon. And... ni hindi sumagi sa isip ko na... walang masama.

“Si Mo (Elmo) is very family -oriented din naman. Kasi ilan silang magkakapatid din, he also enjoys the company with my children, okey naman si Mo,” dagdag pa ni Lotlot.
 
Eh, kumusta naman ang love life niya ngayon?

“Eto okey naman. Nananahimik. Ha-ha-ha!”  natatawa niyang sagot.