• Home
  • Fresh Scoops
  • Pilit na tinatanggi ni Jiro na siya ay dating sikat na artista.

Jiro Manio, hinihintay na kunin ng kanyang pamilya sa NAIA

Pilit na tinatanggi ni Jiro na siya ay dating sikat na artista.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/30/2015 08:06 PM
Jiro Manio, hinihintay na kunin ng kanyang pamilya sa NAIA
063015-jiro2_main.jpgMarumi ang kasuotan at wala sa kanyang sarili, sa ganitong estado natin natagpuan ang former child actor na si Jiro Manio na apat na araw ng gumagala sa NAIA Terminal 3. Naaawa na lang ang ilang passers by at mga empleyado ng airport na nagbibigay ng pagkain kay Jiro.

Naging mailap si Jiro ng lapitan natin ito dala ang ating crew para sa interview.

"Bakit po? Lumayo po kayo sa akin. Ayoko po ng camera, hindi po ako magpapa-interview sa inyo," sabi pa nito.

Ikinaila rin ni Jiro na siya ang dating child actor na nakilala sa showbiz.

"Hindi po ako si Jiro tapos na po yun. Ang showbiz, wala na yun tinambayan ko lang yun."

Kapansin pansin din ang leeg ni Jiro na maraming kalmot na ayon sa ilang nakakita ay ginawa niya sa kanyang sarili.

Ayon pa kay Jiro nasa airport siya dahil gusto niya umalis at ayaw sabihin kung saan siya pupunta. Nagkaroon sila ng pagtatalo ng kanyang ama noong sabado kaya ito naglayas. 

Ayon sa airport Security Officer 2 na si Robert Valenzuela, hinihintay nila ang mga kamag anak ni Jiro para sunduin ito at mai-release na mula sa kanilang tanggapan.

Nakilala si Jiro bilang mahusay at multi-awarded na child actor sa pelikulang MAGNIFICO na ipinalabas noong dekada nobenta. Huli siyang umarte sa ABS-CBN sa teleseryeng "Tayong Dalawa." Lumabas din siya noong 2013 sa realtity show na "I Dare You." 

063015-jiro3_main.jpg

063015-jiro4_main.jpg