• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerphil Flores is keeping the details about her project with David Foster a secret for now.

Gerphil Flores is all set for first big project with David Foster

Gerphil Flores is keeping the details about her project with David Foster a secret for now.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/30/2015 01:18 PM
Gerphil Flores is all set for first big project with David Foster
063015-gerphil_main.jpgMalaking tagumpay ang naging unang meet and greet ng Asia’s Got Talent second runner up na si Gerphil Flores nitong nakaraang weekend sa MegaMall Fashion Hall. Dito kinanta ni Gerphil ang kanyang trademark song na “The Impossible Dream” kasama ang ilan pang musical numbers na nag enjoy ang kanyang audience.

Sa ating interview, nai-kuwento ni Gerphil na nagbalik siya sa pag-aaral sa UP College of Music major in Voice kung saan graduating na siya.

"Para sa akin po kasi education comes first. Iba pa rin po kasi ang may natapos ka. Kumbaga para sa akin bilang singer, balang araw mawawala rin ang boses eh. Kumbaga tatanda rin ako kaya dapat ibahagi ko na ang nalalaman ko when it comes to music."

Nabanggit pa ni Gerphil pero ayaw pa magbigay ng detalye na isang malaking project ang naghihintay sa kanya sa tulong ng international composer at producer na si David Foster.

"Opo ngayon po nag-uusap kami at may magandang project coming soon."

Kaya naman inspired ngayon ang pinay classical singer kaya’t thankful sa kanyang mga fans na walang sawa sa pagsuporta sa kanyang career.

"Nagpapasalamat po ako na nandyan po sila na sumusubaybay sa akin at patuloy po ang pagdadasal nila at suporta nila sa akin kaya hindi ako makakarating dito kundi dahil sa kanila"

Isang concert din ang sasalihan ni Gerphil ngayong August kasama ang ilang malalaking pangalan sa international music scene.