• Home
  • Fresh Scoops
  • Joy's friends mount second "Jam For Joy" fundraising concert.

Joy Viado's son gives an update on her health condition

Joy's friends mount second "Jam For Joy" fundraising concert.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/03/2015 08:02 PM
Joy Viado's son gives an update on her health condition
060315-joyviado_main.jpgNagkaroon ng pangalawang Jam for Joy find raising concert ang mga kaibigan at naka trabaho ng lady comedian na si Joy Viado noong nakaraang weekend sa 19 East sa Paranaque. Para pa rin ito makalikom ng pondo para sa pagpapagamot ni Joy na naka confine pa rin sa Chinese General Hospital dahil sa sakit na diabetes.

Naki-jam para tumulong ang personalities gaya nina Noel Cabangon, Richard Merck, Marissa Sanchez at iba pang stand up comedians.
Dito rin natin nakausap ang youngest son ni Joy na si Joseph Christopher Viado na nagbigay ng update sa health status ng kanyang ina.

"Mas maayos na po ngayon si Mommy.  Nakikipag biruan na po siya sa amin kapag nasa ospital kami. Nagpapasalamat po siya sa lahat ng tumutulong at nagbibigay ng positive na mensahe sa kanya."

Kailangan pa rin ni Joy ng financial support dahil naka schedule siya ng bypass operation para sa kanyang kanan na hita na apektado ng diabetes at mayroong malaking sugat. Naka schedule na daw this week ang procedure.

Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang pamilya ni Joy at looking forward na sila sa thank you concert na si Joy mismo ang magpe perform para naman magpasalamat sa lahat ng dumamay sa kanya sa pagsubok na dumating sa kanyang buhay.