• Home
  • Fresh Scoops
  • Gelli admits she was surprised when her older sister was linked to Gerald Anderson

Gelli de Belen says she has no problem if Janice de Belen falls in love with a younger man

Gelli admits she was surprised when her older sister was linked to Gerald Anderson

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/03/2015 08:04 PM
Gelli de Belen says she has no problem if Janice de Belen falls in love with a younger man
060315-gelli_main.jpgPabor din si Gelli de Belen-Rivera na magkaroon ng bagong lovelife ang kapatid na si Janice de Belen at wala siyang nakikitang masama tungkol dito. Ganito rin ang naging pahayag noon ng isa sa anak ni Janice na si Inah Estrada nang makausap siya ng PUSH.
 
Pero ayon kay Inah, kailangan munang dumaan sa kanila ang lalaking manliligaw sa mommy niya para ma-screen nilang magkakapatid. Sila raw ang kikilatis kung sincere talaga ang intensyon ng lalaki sa mommy nila.
 
Katulad, ni Inah, hindi rin problema kay Gelli kung bata man kay Janice ang magiging suitor o karelasyon nito.
 
“Ako naman, I wouldn’t mind kung magkaka-boyfriend nga siya ng younger sa kanya,” reaksyon agad ni Gelli.
 
“Basta ang mahalaga, mamahalin at pasasayahin siya at mamahalin ang mga anak niya nung lalaki. And as long as hindi ang kapatid ko ang magsusustento don sa guy, okay lang, go, go go!” patuloy pa ni Gelli.
 
Nabanggit din ng actress-TV host na ikinagulat niya ang pagkaka-link ni Janice sa aktor na si Gerald Anderson.
 
“Nagulat, siyempre. O 'di ba, napakahaba ng hair niya (Janice). May asim pa si sister,” natatawa niyang pahayag. “Pero honestly, ni hindi ko sineryoso ang tsismis sa kanila kasi alam ko namang ’di totoo, eh. And I really think its unfair na naintriga siya ng ganu’n,” katwiran pa niya.
 
Bahagya namang naibahagi ni Gelli kung bakit payat na ngayon ang kapatid. “Hindi na siya kumakain ng junk food... Ang ganda niya, 'di ba,” comment pa niya.
 
Kapansin-pansin din na kahit 2 na ang anak ni Gelli at Ariel Rivera ay hindi talaga ito tumataba. “I really diet and exercise. Tabain kasi kami eh, kaya I have to be conscious in maintaining my weight,” say pa niya.
 
Samantala, balik sa pagho-host ngayon si Gelli sa bagong show ng TV5 na "Happy Truck Ng Bayan."