• Home
  • Fresh Scoops
  • EA reveals he has cut ties with actress Shaira Mae and apologized to Maxene Magalona and her mother.

Edgar Allan Guzman on his love life: ‘Time out muna po’

EA reveals he has cut ties with actress Shaira Mae and apologized to Maxene Magalona and her mother.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/03/2015 08:03 PM
Edgar Allan Guzman on his love life: ‘Time out muna po’
060315-edgar_main.jpgPatuloy na gumaganda ang takbo ng career ngayon ni Edgar Allan Guzman magmula nu’ng lumipat siya sa ABS-CBN. Bukod sa pagbibida niya sa Maalaala Mo Kaya, napasama rin siya sa cast ng Oh My G!

Pero ayon sa aktor, ang isa sa maituturing niyang biggest achievement ay ang mapasama sa Top 4 grand finalists ng Your Face Sounds Familiar na maglalaban-laban sa June 6 and 7 sa Resorts World Manila.

“Ito talaga yung parang pinakamatindi. Unexpected ito sa akin, yung mapasama sa Top 4 kaya sobrang laki ng pasasalamat ko sa programa dahil na reinvent ko ang sarili ko at nakita din ng mga tao yung iba ko pang kayang gawin,” masayang kuwento ni EA.

Magko-concenttrate din daw muna si EA sa trabaho at hindi muna magla-love life.

“Time out na po muna ako sa mga love life na ‘yan. Basta ang focus ko po muna ay sa career ko. Basta ako positive kasi sobrang ganda ng nangyayari sa akin, positive lahat and nakikita ko po na naging maganda talaga yung resulta ng paglipat ko sa ABS.

“Dati kasi, paglipat ko sa ABS gusto ko lang mag-ASAP, mag-MMK tapos teleserye. Tapos sinabi ni Sir Noel (Ferrer, manager niya) na i-try mua naming sumali sa Your Face. Sabi ko naman, parang... nag-doubt ako sa sarili ko na parang wala naman akong pera para gastusan yung text, ganyan-ganyan, kasi wala naman talagang pondo. Pero heto, tinuloy namin at kasama pa ako sa Top 4,” pahayag pa niya.

Aware ba siya na nagkakaroon ng problema ang career niya kapag meron siyang love life?

“Opo, opo, aminado naman ako do’n at napag-usapan din namin yon ng manager ko. So this time, sa pangalawang pagkakataon, sa pagbabalik ko, aayusin ko na talaga.”

Naging isyu ang pagre-react ng girlfriend niyang si Shaira Mae na ginagamit daw siya ni EA para sa programang Your Face para mapag-usapan. Kinausap na ba niya ang girlfriend tungkol dito?

“Yeah, nagkausap po kami. Ang sa akin lang, ayoko na lang din mandamay ng ibang tao, gusto ko lang din tahimik. Kumbaga ayoko lang ding maging mayabang na ginagamit ko yung ganito, yung show ng kabila.

“Actually, nag-sorry ako nang personal kay Maxene at ngayon po nagso-sorry ako kay Ms. Pia (nanay ni Maxene) na nadawit yung pangalan nila sa kaka-promote lang niya (Shaira Mae) ng show sa kabila,” sey pa niya.

Ibig bang sabihin pinutol niya na talaga ang koneksyon sa kasintahan para hindi na magkaroon pa ng isyu?

“Opo, opo,” sagot agad niya. “Kahit ako, hindi naman ako nagsasalita, never naman akong nagsalita about sa mga shows nila do’n, sa kanya, sa loveteam nila. So, ako time-out lang talaga. Gusto ko lang talaga tahimik. Kumbaga, pag-usapan na na lang po yung magagandang nangyayari sa akin like this, Your Face at yung bagong naka-lineup na shows,” paglilinaw pa ng singer-actor.