• Home
  • Fresh Scoops
  • The Your Face Sounds Familiar finalists share their journey on the show.

Daniel Padilla and Sylvia La Torre are Edgar Allan and Nyoy’s favorites

The Your Face Sounds Familiar finalists share their journey on the show.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/03/2015 01:30 PM
Daniel Padilla and Sylvia La Torre are Edgar Allan and Nyoy’s favorites
060315-eanyoy_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, sinabi ni Your Face Sounds Familiar stars Nyoy Volante and Edgar Allan Guzman na dumami ang supporters nila dahil sa naturang show. Ani Nyoy, pati mga bata ay nagpapa-picture na sa kanya.

Ayon naman kay EA, sa mga celebrities na ginaya niya pinakapaborito niya ang impersonation niya of Teen King Daniel Padilla, at pinakanahirapan siya sa pag gaya niya kay American rapper MC Hammer.

Si Nyoy naman pinakana-enjoy niya ang pag gaya niya kay Queen of Kundiman Sylvia La Torre. Na-enjoy diumano ni Nyoy ang naging reaction ng mga judges pati na rin ng viewers sa kanya bilang Sylvia La Torre. Pinakahirap naman siya sa performance niya as Justin Bieber. Hindi daw ni Nyoy akalain na mananalo siya sa kanyang Justin Bieber impersonation dahil para sa kanya isa ito sa mga weakest performances niya.

Naniniwala rin sila na naging fair ang ginawang pag-judge ng mga hurado ng show. Two million ang grand prize na iuuwi ng mananalo at ang kalahati ay mapupunta sa chosen charities nila.

Kung mananalo si EA ibibigay niya ang kalahati sa pamilya ng SAF44 at si Nyoy naman ibibigay niya ito sa isang foundation for the poor and elderly.