• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Saturday Night Fever The Musical’ lead actors are happy with the warm welcome they got from Pinoys.

‘Saturday Night Fever The Musical’ lead actors praise their Pinoy co-actors

‘Saturday Night Fever The Musical’ lead actors are happy with the warm welcome they got from Pinoys.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/27/2015 09:34 AM
‘Saturday Night Fever The Musical’ lead actors praise their Pinoy co-actors
062715-snf_main.jpgNagpasikat sa pagpe-perform ng seventies hit songs ang lead cast ng Saturday Night Fever The Musical na mapapanood sa The Theater ng Solaire na magsisimula sa July 3. Ang Broadway at West End actors na sina Brandon Rubendall at Jenna Rubaii ang gaganap sa lead role as Tony Manero at Stephanie Mangano.

First time nila pareho dito sa Pilipinas at una nila napansin ang mainit na pagtanggap sa kanila ng kanilang mga ka trabaho sa stage musical na ito.

"People here are so warm and nice to work with we feel at home already and we can’t wait for you to see our show."

Dagdag pa ng foreign cast na araw-araw ay mayroon silang word for the day para lumawak ang kanilang tagalog vocabulary at hindi pa nakuntento sa words lang dahil inaaral na ngayon ni Brandon at Jenna ang ilang OPM songs na nagbigay pa ng pa sample ng una nilang natutunan, ang Aegis hit single na “Basang Basa sa ulan” na ikinagulat ng local media.

Kasama rin sa cast ang Pinoy performers na sina Mikkie Bradshaw, Bibo Reyes, Nick Verricchio, Nel Gomez, Carla Guevarra Laforteza at marami pang iba.

Ipinagmalaki rin ni Brandon na naka trabaho na niya noon sa music videos bilang back up ang icons na sina Madonna, Beyonce at Jennifer Lopez.

Samantalang si Jenna naman ang isa sa sikat na inpersonator ng Pop Singer na si Britney Spears.